Wednesday , November 12 2025
Quezon Jericho Rosales

Quezon ni Jerrold Tarog maraming ibinuking

HARD TALK
ni Pilar Mateo

BAYANIVERSE.

Tatlong istorya ng ating mga bayani.

Nasa ikatlo na ngayon. Ang kwento naman sa  naging pangulo ng Republika sa Commonwealth Government. Si Manuel Luis Quezon.

Isasalaysay sa pelikula ni Jerrold Tarog ang buhay, pag-ibig at mga naging hamon sa buhay ng naging Ama Ng Bayan sa maraming paraan.

Saksihan at panoorin sa Miyerkoles, Oktubre 15, 2025 sa mga sinehan. Ginawaran ito ng rating na PG ng MTRCB.

Kwento ng bida nito na si Jericho Rosales sa ginanap na grand mediacon ng pelikula sa Bulwagan ng Manila Hotel—na makailang ulit ding naging saksi sa mga pangyayari sa buhay ng dating pangulo—madalas nga na palakol ang gradong nakukuha niya sa mga Araling Panlipunan at History subjects noong nag-aaral siya. Kundi bagsak, pasang-awa.

Boring para sa kanya ang mga paksa tungkol sa kasaysayan, lalo na sa ating bansa. Na pawang mga petsa ang inuukilkil sa kukote ng estudyante at ipinapa-memorya,  at ‘di naipaliwanag nang maayos kung ano ang nasa mga aklat.

Nang gawin niya ang Quezon at isabuhay ang katauhan nito, maraming bagay ang nabuksan kay Jericho sampu ng mga kasama sa cast na ipinrodyus ng TBA Studios  na pelikula.

Maayos na naipakikilala ni direk Jerrold ang kabuluhan ng iba’t ibang klase ng mga bayani sa tatlo niyang pelikula.

Mula kay Heneral Antonio Luna. Patungo kay Goyo o Gregorio del Pilar. At ngayon, kay Quezon.

Maski tayo maraming matututunan at matutuklasan sa naging hamon ng mga pangyayari sa mga kinaharap niya sa maraming sambalilong isinuot niya.

Ipagmamalaki ang cast na isinama sa pelikula gaya nina Karylle, Angeli Bayani,  Ana Abad Santos, Therese Malvar,  Jake Macaagal, Mon Confiado, Arron Villaflor, Romnick Sarmenta, Ketchup Eusebio, JC Santos, Benjamin Alves, at mula sa Game of Thrones na si Iain Glen.

Nakae-excite.

Residente ako ng lungsod Quezon. Biruin mo ka-bertdey ko siya?

Nineteen fifty nine ako. Pero noong Oktubre 12, 1939,  ang charter ng lungsod ay ipinatupad sa Commonwealth Act No. 502. Para sana sa Lungsod ng  Balintawak.  Pero ini-revise ito kaya naman habang buhay pa ang Pangulong Quezon ipinangalan ito sa kanya. At noong Oktubre 12, 1949 ang kapital ng bansa ay nailipat sa Lungsod Quezon.  Na ibinalik sa Maynila noong 1976.

O,  ‘di ba? May nakakalkal sa aklat ng kasaysayan.

Salamat sa mga nag-produce nito. Kaya yayain na ang buong pamilya sa mga sinehan. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Reginald Philip Alto IPO Pascual Lab

IPO PH pinarangalan PascualLab at co-patentees para sa eksklusibong invention patents

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINARANGALAN noong Oct. 25 ng Intellectual Property Office (IPO) ang …

Formula 5

First anniversary concert ng Formula 5, special at patok

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGING espesyal ang ginanap na first anniversary concert ng  Formula …

Seth Fedelin Francine Diaz

Seth at Francine wala pa ring level ang relasyon

HARD TALKni Pilar Mateo ANGAT na sa lebel nila bilang mahuhusay na mga bagong artista …

Viva Movie Box

Viva Movie Box patutunayan ang tagline na Mahirap Bumitaw

MATABILni John Fontanilla SA celebration ng 44th anniversary ng Viva Entertainment sa pangunguna ni Boss Vic del Rosario at …

Nadine Lustre 23 bday business

Nadine kaseksihan nag-uumapaw   

MATABILni John Fontanilla OOZING with sexiness ang ibinahaging mga larawan ni Nadine Lustre sa kanyang  32nd birthday. Ang …