Thursday , June 4 2026
World Travel Expo Year 9 b

World Travel Expo one stop shop sa mahilig kumonekta sa iba’t ibang kultura 

HARD TALK
ni Pilar Mateo

NASA ika-siyam na taon na ang World Travel Expo na gaganapin sa Oktubre 17-19, 2025 sa SPACE ng One Ayala sa Makati at sa Nobyembre 14-16, 2025 naman sa Ayala Malls, Manila Bay.

Sa panayam sa namumuno nito o organizer na si Miles Caballero ng AD Asia Events Group na nagsama-sama sa mga exhibitor at partners ng naturang event, “Looking around this room, I feel nothing but gratitude. You are not just here to witness a launch. You are here because you believe in the spirit of travel and in what the World Travel Expo stands for. And for that, I sincerely thank you.” 

Sino ba ang gaya kong pangarap na libutin ang buong mundo? Galugarin ang bawat sulok nito pero napipigilan lang sa mga bagay na kinakailangang taglayin para maisakatuparan.

Kaya sa muling pagbubukas ng WTE 2025,  inaasahang muli, mas marami na naman ang sasali o sasama para enjoy-in ang pagkakataong makatagpo ng mga paglalakbay na naaayon sa budget- mula sa hotels, restaurants, pasyalan, pati na airlines.

Ano ang aasahan sa parating na events?

‘Di matingkalang promos, mga pang-kulturang palabas, mga booth na mag-o-offer ng kanilang mga produkto lalo na ang mga nagmula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa at mga pasabog na raffle prizes.

Kaya turista ka man o traveler, nanditong muli ang WTE 2025. Pang-himpapawid man o pang-karagatan ang biyahe, katuwang ang tourism boards  sa iba’t ibang panig ng mundo, maraming  nakaplanong mangyayari na pasok sa budget ng pamilya.

Dagdag pa ni Ms. Caballero, “More than a bargain hunt, it’s about reigniting the passion for discovery, strengthening industry partnerships, and celebrating the role of travel in connecting cultures.”

Ang daming packages na mapagpipilian. Ang kailangan lang na gawin ay tumungo sa dates ngayong Oktubre at Nobyembre.

Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Tara na! Lipad na! Sakay na! 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …