Thursday , June 4 2026
Alona Navarro Ayana Misola Sanggang Dikit FR Dennis Trillo Jennylyn Mercado

Alona Navarro, sobrang grateful na nakasali sa ‘Sanggang Dikit FR’  

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

LABIS ang pasasalamat ni Alona Navarro dahil nabigyan siya ng chance na makasali sa TV series ng GMA-7 na ‘Sanggang Dikit FR’ na tinatampukan nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado.  

Ayon sa sexy actress na napapanood noon sa Vivamax, “Sobrang grateful and thankful po ako… hindi po ako makapaniwala talaga. Kasi, nag-stop po ako nang matagal na hindi gumawa ng sexy films… tapos nabigyan po ako ng pagkakataon sa ganito kalaking project.

“Ito po ang first time na naging part ako ng isang TV show at mainstream TV pa po. Kaya super-thankful po ako talaga sa blessing na ito, nagpapasalamat po ako lalo na po sa manager ko, kay Mami Jo (Jojo Veloso).”

Dagdag pa ni Alona, “Sa Sanggang Dikit FR po, gumaganap po ako as Peach, na kapitbahay ni Tonyo (Dennis) na may crush sa kanya. Actually, kami pong dalawa ni Ayanna (Misola), hehehe.”

Thankful din si Alona dahil  humaba pa ang role niya rito. 

Esplika niya, “Until now po ongoing, nadagdagan po nang nadadagdagan hehehe.

“Kaya sobrang happy ko po, natuwa po yata sa amin… natuwa rin po kami na marami ang nagta-tag sa amin, kasi napapanood po nila kami sa Sanggang Dikit FR. And nakakatuwa po, nag-trending po iyong sa nawawalang bra scene po namin dito,” nakangiting sambit pa ni Alona.

Saludo rin siya sa husay nina Dennis at Jennylyn.

“Sobrang galing po nina kuya Dennis at ate Jen, kapag nakaka-eksena po namin sila, minsan ay nahihiya kami… Kasi ang galing talaga nila, makikita nyo po talaga na magaling sila na sa mata pa lang po nila, nakikita na agad iyong lalim ng emotions sa acting nila,” pakli pa ni Alona.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …