Wednesday , June 24 2026
Joel Cruz Business 101 What Worked for Me

Book Launch ni Joel Cruz matagumpay 

MATABIL
ni John Fontanilla

TAOS-PUSONG nagpasalamat si Joel Cruz sa matagumpay na launching ng kanyang libro, ang Business 101: What Worked for Me na ginanap sa SMX Convention Center. 

Kasama ng tinaguriang Lord of Scents ang kanyang mga anak.

Post nito sa kanyang Facebook,  “Maraming salamat sa lahat ng dumalo at nagbigay ng kanilang mainit na pagsuporta sa aking pinaka-unang book launch, Business 101: What Worked for Me.

“It was truly a memorable and inspiring event na puno ng kwento, aral, at pagmamahal. Special thanks as well to Vibal Group for making this milestone possible.

“Your presence and support made this journey even more meaningful, and I am deeply grateful to share it with all of you.”

Laman ng libro ni Joel ang kanyang journey sa negosyo at kung paano siya umasenso at nagtagumpay. 

Kaya malaking tulong ang libro ni Joel sa mga nagbabalak o gustong sumubok sa pagnenegosyo o sa mga nag-uumpisang magnegosyo at gusto ring magtagumpay katulad niya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …