Ella Ecklund Kathryn Bernardo

Newbie actress Ella Ecklund susubukin kapalaran sa bansa

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY talented ang teen actress na si Ella Ecklund, 14,  isa ring modelo at singer.

Si Ella  ay hawak ng  Seattle Talent Agency and Global Image na nasa California.

Ngayon ay nasa bansa si Ella para subukan ang suwerte sa local showbiz.

Nakagawa na rin ito ng short films, ang Mga Kwento ni Ella ng  Cinemyr Film

na mapapanood sa Youtube.

Naging front act na rin ito ng mga show nina Gabby Conception, Pops Fernandez, Sofronio Vasquez, Gino Padilla  atbp.

Nakapag-modelo na rin ito sa mga designer tulad nina Carl Andrada, Alejandro, Alejandro, kiel Ortega, at Macy’s.

Idolo ni Ella si Kathryn Bernardo dahil mahusay itong umarte at napaka-wholesome. Sana nga ay makatrabaho ito ni Ella in the near future.