MULING magpapakilig ng mga manonood sina Jerome Ponce at Krissha Viaje sa pamamagitan ng kanilang bagong aabangang serye sa TV5, ang Para Sa Isa’t Isa matapos nilang magpakilig sa digital series na Safe Skies, Archer.
Muling maghahasik ng kilig ang KrisshRome sa weekly series na Para Sa Isa’t Isa na prodyus ng MavenPro at Sari-Sari Network, Inc.
Ang Para Sa Isa’t Isa ay isang light fantasy-drama na mapapanood simula Setyembre 13 Sabado, 5:30 p.m..
Kuwento ito ng rediscovery and second chances, ng pagmamahalan at pantasya na tiyak aabangan ng mga manonood.
Sa isinagawang media conference ng Para Sa Isa’t Isa sa TV5 launchpad, inami nina Jerome at Krissha na may mga moment na pakiramdam nila para talaga sila sa sa isa’t isa.
“I think there is a reason why magkasama kami ngayon, there is a reason why… we were put on this project together and also noong magkakilala kami to work sa ‘Safe Skies, Archer’,” ani Krissha.
“So, I think, we’re for each other. Para sa isa’t isa,” nakangiting wika pa ni Krissha.
Sinabi naman ni Jerome na may mga moment ding na ramdam niyang para talaga sila sa isa’t isa.
“Mayroon naman, pero sabi ni Direk [Easy Ferrer], all the time,” anang aktor.
Sa kabilang banda masaya si Jerome na muli silang magkasama ni Krissha sa serye.
“Wala nang mas sasarap pa sa pakiramdam na comfortable kami Krissha. From ‘Safe Skies,’ ito kami ulit magkakatrabaho at mas kumbaga may naging 2.0 kami rito eh.
“Kasi kahit ako nagulat ako na parang, ‘uy saglit lang, lumabas lang tayo saglit ni Direk Easy (Ferrer) parang iba na, iba na ‘yung vibe pagdating sa eksena.’
Sinabi pa ni Jerome na bagamat may mga stress nagagawa naman nila nang maayos ang kanilang trabaho. “Kaya nga siguro ang ganda lang din ng title na ‘Para sa Isa’t Isa.’
“Rito parang halos everyday pwede kaming mag-wish. Kaya ako nga, ang wish ko there will be more blessings para sa akin, KrisshRome, ‘di ba? Hindi lang, as KrishRome kundi kay Krissha at sa akin din,”sabi pa ng actor.
Sinabi pa ni Jerome na ibang discovery din ang nakita nila sa muli niang pagsasama lalo ang chemistry na unang nakita sa kanilang unang serye, ang Safe Skies Archer.
“Kung napanood ninyo ‘yung ‘Safe Skies, Archer,’ ibang gulat ‘yung discovery ng chemistry namin doon eh. Kasi kahit ako nagulat ako sa script at saka sa book na ‘yun eh. Pero rito, ang na-discover naman po kasi namin is ‘yung more on naka-center sa drama.
“I mean, pareho namang drama, pero kasi mas nailabas ni direk (Easy) ‘yung pagka-heavy niong mga eksena. More on mas hindi out of the book, talagang out of experience na.
“Parang at some point kahit hindi ninyo na i-point ito sa akin, may mga na-feel ako na mga bubog, masakit sa buhay, na alam mo ‘yun, nakikita lang siya habang pinapanood sa eksena,” wika pa ni Jerome.
“In terms of chemistry, kasi parang magandang starter na talaga ‘yung sa ‘Safe Skies.’ Kasi lahat ginawa na namin doon. So, parang mas madali na lang din.
“Dito kumbaga parang nag-mature na siya in a sense na kailangan makita nila na mag-asawa na kami rito. Mas madali, actually, ‘yung chemistry namin now.
“Kasi, ‘yun nga, since bugbog na talaga kami roon sa first na ginawa naming project together. And then, ‘yung discovery, so far, wala pa akong bago na na-discover sa kanya,” sambit naman ni Krissha.
Kuwento ito nina Zion Magtibay (Jerome) at Erin Revina (Krissha), ang magkaribal sa high school na kalaunan ay nagmahalan at nagpakasal. Pero matapos ang 10 taon ng pagsasama, isang sitwasyon ang susubok sa kanila na humantong sa paghihiwalay.
Sinubukan na i-undo ang mga nangyari, wish ni Zion na ibalik ang mga oras, at magising noong hindi pa sila nagkakakilala ni Erin.
Kasama rin sa serye sina Paulo Angeles (Gilbert, persistent admirer ni Erin); Kelley Day (Camille, kaibigan ni Zion na may lihim na pagtingin); Vandolph Quizon (Ninong Rick, eccentric godfather ni Erin a may misteryosong koneksiyon sa magic na may wishing well); Andrea Del Rosario (Dina Magtibay, baliw subalit mabait na ina ni Zion); at Bobby Andrews (Jorge Revina stern father ni Erin).
Kasama rin ang rising teen duo na sina Xia Vigor at ang Filipino boy group GAT member na si Charles Law. itoa ng kanilang first major project together bilang on-screen pair, XiaLes.
Panoorin tuwing Sabado ang Para Sa Isa’t Isa simula Sept, 13, 5:30 p.m. sa TV5 na idinirehe ni Easy Ferrer. (Maricris Valdez)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com