Friday , July 3 2026
Kenneth Marcelino Coco Martin

Mr. Cosmopolitan na si Kenneth may mensahe kay Coco: baka puwede akong makasali sa Batang Quiapo

RATED R
ni Rommel Gonzales

Nakabibilib si Kenneth Marcelino, reigning Mr. Pilipinas Worldwide Cosmopolitan 2025, dahil proud siya na miyembro ng LGBTQIA+ community.

Kuwento niya, “Hindi ko po siya naturally na-out sa family ko, pero support po nila ako kung ano po ako ngayon.”

Bihira ang isang male pageant title-holder na out and proud gay.

Masarap po sa feeling, kasi marami pong part na… ‘yung part na LGBT like minsan natatakot silang maging kung sino sila or kung ano ‘yung talent na mayroon sila.

“Like kasi kunwari kung gusto ko ‘yung ginagawa ko before pa, siguro matagal ako nag-start mag-makeup artist, pero kasi lately lang, so lately natutunan ko rin kung paano maging totoo sa sarili.”

Makeup artist by profession si Kenneth.

So kaya now, I’m very happy kasi lalo’t may mga tao na sinusuportahan pa rin nila kahit sino ako.”

Ano ang konek niya sa online gaming app na Playtime na endorser sina Vic Sotto at Heaven Peralejo?

I won the Mr. Playtime po. Sila po kasi ‘yung sponsor namin sa Mr. Pilipinas 2025.

“Special award po ng Playtime. Parang sa Binibining Pilipinas po, sa amin naman po sa Mr. Pilipinas Worldwide is Mr. Playtime naman po.”

Nasa Bangkok, Thailand ngayon si Kenneth para i-represent ang Pilipinas sa Mister Cosmopolitan 2025.

September 5 po is our preliminary competition and September 7 naman po is our coronation night.”

May plano ba siyang mag-showbiz at mag-artista?

Mag-showbiz po? ‘Pag ano po, ‘pag nasabihan po or ‘pag may nag-alok po sa akin.”

Sino ang paborito niyang artista? Isang babae, isang lalaki.

Sa aktingan po si Ms. Jodi Sta. Maria, sa lalaki si ano po, si Coco Martin.”

Nakita mo na ba ng personal si Coco Martin?

Hindi pa po, eh.”

‘Pag nakita mo si Coco, ano ang sasabihin mo sa kanya?

Ano eh, parang mangungulit ako, na baka puwede akong makasali sa ‘Batang Quiapo,’” at tumawa si Kenneth. ”Baka puwede, ganoon kasi ‘yung lola ko lagi kaming nanonood ng ‘Batang Quiapo.’”

Kay Jodi anong sasabihin mo?

Puwede akong ano niya, anak-anak, sa mga movie.”

Wika pa ng 25 year-old na si Kenneth.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

LJ Reyes Philip Evangelista The Village Cookie

LJ Reyes nagbukas ng negosyo sa Amerika

MATABILni John Fontanilla TULUYAN nang iniwan pansamantala ni LJ Reyes ang showbiz at masaya nang naninirahan sa …

SPEEd The Eddys Marriott Hotel

Marriott Hotel tahanan ng The EDDYS

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SA loob ng kumikinang na mga bulwagan ng Marriott Grand Ballroom sa Newport World …

Anjo Yllana TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de Leon

Anjo talo sa kaso ng TVJ, pinagbabayad ng P3.5-M danyos

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez PINABORAN ng korte angTVJ Productions labansa isinampang kaso sa dating host din ng Eat …

Heart Evangelista

Heart hinay-hinay muna sa trabaho

I-FLEXni Jun Nardo KINAILANGANG pagsabihan pa ni Heart Evangelista ang isang personal assistant na maghinay-hinay sa trabaho …

Ryzza Mae Dizon Kim Chiu

Ryzza ‘di kailangan si Kim para mapag-usapan

I-FLEXni Jun Nardo WAGAS kung makabintang itong mga faney na nagsasabing ginagamit ni Ryzza Mae Dizon si Kim …