Cye Soriano Noel Cabangon Songs For Hope Concert

Cye Soriano at Noel Cabangon magsasama sa Songs For Hope Concert

MATABIL
ni John Fontanilla

EXCITED na ang tinaguriang Karen Carpenter ng Pilipinas na si Cye Soriano sa nalalapit na concert ni Noel Cabangon, ang Songs for Hope tampok ang TNC Band  sa September 20 sa Music Museum, 7:00 p.m. na isa siya sa magiging espesyal na panauhin.

Ani Cye, “Isang malaking karangalan na makasama sa concert ang nag-iisang Noel Cabangon na isang awardwinning at napakahusay na singer.”

Dagdag pa nito, “Once in a lifetime ang ganitong klaseng opportunity kaya nagpapasalamat ako sa aming producers.

“Bukod sa akin may mga OPM singer din akong makakasama sa concert.”

Makakasama nina Cye at Noel  ang mga  OPM artist na sina  Queen of Asianovela  theme songs Faith CunetaPatricia Ismael,  Nadj Zablan, Dindo Caraig, Dindo Fernandez with front act Meggan Shinew, Justin Herradura, Rafael Mamforte, at Samuel Smith

Ang Songs for Hope  ay ipinrodyus ng Primelens Film Production Inc. President Wilson Tidon & Corp Sec Mama Josh Moradas,  Line Producer-Cye Soriano, directed by Lim Luther John.