Joel Cruz Aficionado Bangong Milyones Jingle

Joel Cruz patuloy na mamimigay ng milyones

MATABIL
ni John Fontanilla

PATULOY ang pamimigay ng papremyo ng Lord Of Scents Joel Cruz, CEO & President ng Aficionado Germany Perfume sa pagdiriwang ng Ika- 25 taon nila, ang Bangong Milyones Dance Contest

Mag-uuwi ng P250k ang magwawaging grupo 

habang 25k naman ang papremyo sa monthly winners.

Madali lang sumali, magbuo ng dalawa hangang limang miyembro kada grupo, edad  18 pataas o kung below 18 ay kailangan ng  parental or guardian consent.

All genders, amateurs or professionals ay welcome, kailangan lamang sayawin ang  Aficionado Bangong Milyone Jingle, sa kahit anong genre ng sayaw.

Gaganapin ang Grand Finals sa SM North EDSA Skydome, Quezon City.