Thursday , June 4 2026
Atong Ang Julie Dondon Patidongan

Kampo ni Atong Ang kasado
TESTIMONYA NI PATIDONGAN KUWESTIYONABLE

MARIING inihayag ng kampo ni Ginoong Charlie “Atong” Ang, malugod na tinanggap nito ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya, bilang pagkakataon upang maipagtanggol ang sarili laban sa mga paratang at espekulasyon sa tamang legal na proseso.

Ayon kay Atty. Gabriel L. Villareal, abogado ni Ginoong Ang, naninindigan ang kanyang kliyente sa kanyang pagiging inosente, at nagbabala hinggil sa testimonya ni Julie “Dondon” Patidongan na aniya’y puno ng butas, makasarili, at walang sapat na batayan.

Ipinahayag din ni Villareal ang kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng mga biktima at paghanga sa kanilang pagpupursige sa paghahanap ng katotohanan at katarungan.

Gayonman, hinimok niya ang publiko na pag-isipang mabuti ang biglaang paglutang ni Patidongan at ang panahon ng kanyang paglabas.

Ayon sa abogado, matagal nang bahagi ng organisasyon ni Ginoong Ang si Patidongan — mahigit 15 taon — at unti-unting nakaakyat sa mga sensitibong posisyon.

“Isa siyang bihasang manipulator na kayang alisin ang sinumang sa tingin niya’y banta sa kanyang impluwensiya at paglapit kay Ginoong Ang.”

“Dahil sa kanyang puwesto, ginamit niya ang mga koneksiyon at resources ng organisasyon — nang hindi alam ng kanyang mga pinuno— upang palawakin ang kanyang sariling ilegal na network, kabilang ang sugal, kidnapping, pangingikil, at pananakot,” ayon pa kay Atty. Villareal.

Aniya, nang  masangkot sa pagkawala ng isang kakompetensiya  sa sabong sa Maynila noong nakaraang taon, pilit ngayong ibinabaling ni Patidongan ang sisi sa kanyang mga dating superior upang takasan ang pananagutan.

“Masaklap na ang publiko ay nalilinlang ng isang lobo na nagkukubli sa anyo ng tupa. Ginagamit niya ang simpatiya ng mga biktima para ikubli ang kanyang sariling krimen,” ani Villareal.

“Ang kanyang kuwento ay imbento. Dapat siyang mabunyag, at malapit  na itong mangyari.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …