Thursday , June 4 2026
Marqui Ibarra Jak Roberto Dennis Trillo Kathryn Bernardo

Dennis at Kathryn gustong makatrabaho ni Marqui Ibarra

MATABIL
ni John Fontanilla

PROMISING ang bagong alaga ng Artist Lounge Multi- Media Inc., ang18 years old na tubong Laguna, si Marqui Ibarra.

Masuwerte ang young actor dahil baguhan man sa showbiz ay nakasama na sa isa sa malaking GMAseries, ang, My Fathers Wife na pinagbidahan nina Jak Roberto, Gabby Concepcion, at Kylie Padilla.

Ginampanan nito ang role na young Gerald (Jack). 

Kuwento nga ni Marqui na kinabahan siya sa first acting project. Ibinahagi rin nito ang unang pagkikita ni Jak na aniya ay sobrang bait.

“Medyo kinabahan ako kasi first acting project ko ‘yung ‘My Fathers Wife,’ bale ginampanan ko po ‘yung role ni Gerald bilang batang Jak Roberto.

“Noong una ko pong na-meet si Kuya Jak medyo nahihiya ako sa kanya kasi sikat na artista siya pero sobrang bait pala  niya.”

Habang sina Dennis Trillo  at Kathryn Bernardo naman ang mga hinahangaan nitong artista at dalawa sa pangarap niyang makatrabaho.

Paborito ko pong aktor si Kuya Dennis magaling po kasi siyang umarte, siya po ‘yung pinagkukunan ko ng inspirasyon pagdating sa pag-arte.

“Sa babae naman po si Kathryn Bernardo, napakagaling pong umarte.

Wish ko po na sana po makatrabaho ko silang pareho sa pelikula o sa teleserye,” sabi ni Marqui.

Sa ngayon ay sumasailalim siya sa acting, singing, at dancing workshop para mas maging handang-handa siya sa mga susunod pang proyektong darating sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …