Wednesday , June 24 2026
Kyline Alcantara Darren Alexa Ilacad Kaila Estrada 8th EDDYS

Kyline, Darren, Alexa, Kaila magho-host ng 8th EDDYS sa July 20

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

SANIB-PUWERSA ang mga Kapamilya at Kapuso na sina Kyline Alcantara, Darren, Alexa Ilacad, at Kaila Estrada sa pagho-host ng pinakaaabangang 8th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).

Magaganap na ang ika-8 edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa July 20 sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts sa Pasay City.

Inaasahang mas magiging maningning ang pagtatanghal ng The EDDYS ngayong taon dahil sa pagsasama-sama nina Kyline, Darren, Alexa, at Kaila sa isang gabi ng selebrasyon, pagpupugay at pagbibigay-halaga sa Philippine movie industry.

Bukod dito, magkakaroon muli ng Red Carpet segment ang 8th EDDYS na magiging host naman ang social media personality at radio DJ na si Mr. Fu at ang rising star na si Alexa Miro.

Dito makakausap at makakakuwentuhan nina Mr. Fu at Alexa ang mga naglalakihang celebrity mula sa entertainment industry na inaasahang dadalo sa taunang The EDDYS.  

Samantala, inaasahang mas magiging matindi ang labanan sa ika-8 edisyon ng The EDDYS na maglalaban-laban ang anim na de-kalibreng pelikula na ipinalabas sa mga sinehan at online platform nitong nagdaang taon na gumawa ng ingay at nagmarka sa mga manonood.

Bakbakan para sa Best Picture ang Green Bones, Hello, Love, Again, Isang Himala, “Love Child”, “Outside” at “Under a Piaya Moon”.

Para sa Best Actress, nominado sina Jane Oineza (Love Child), Judy Ann Santos (Espantaho), Marian Rivera (Balota), Mylene Dizon (The Hearing),  Sharmaine Centenera-Buencamino (Pushcart Tales), at Sue Prado (Your Mother’s Son).

Maglalaban-laban naman para sa Best Actor sina Alden Richards (Hello, Love, Again), Arjo Atayde(Topakk), Dennis Trillo (Green Bones), Joel Torre (Lolo and the Kid), Kokoy de Santos (Your Mother’s Son), Sid Lucero (Outside), at Vice Ganda (And the Breadwinner Is…).

Sa kategoryang Best Supporting Actress pagalingan sina Chanda Romero, (Espantaho), Cristine Reyes (The Kingdom), Elora Españo (Your Mother’s Son), Kakki Teodoro (Isang Himala), Lorna Tolentino (Espantaho), at Nadine Lustre (Uninvited).

Para sa Best Supporting Actor, maglalaban sina Aga Muhlach (Uninvited), Joross Gamboa (Hello, Love, Again), Miggy Jimenez (Your Mother’s Son), Patrick Garcia (A Journey), Ronnie Lazaro (The Gospel of the Beast), at Ruru Madrid (Green Bones).

Bakbakan naman sa pagka-Best Director sina Carlo Ledesma (Outside), Cathy Garcia Sampana(Hello, Love, Again), Jonathan Jurilla (Love Child), Kurt Soberano (Under a Piaya Moon), Pepe Diokno (Isang Himala), Zig Dulay (Green Bones).

Samantala, magkakaroon ng delayed telecast ang 8th EDDYS sa Kapamilya Channel, Jeepney TV at may worldwide streaming sa iWant sa July 27, Linggo.

Co-presenter ng 8th EDDYS ang Newport World Resorts at ABS-CBN sa ilalim ng production ng Brightlight Entertainment na pinangu­ngunahan ni Pat-P Daza at ididirehe muli ni Eric Quizon.

Major presenter ang Playtime PH sa pakikipagtulungan Globe at Unilab. 

Ang SPEED ay pinamumunuan ng kasalukuyang presidente ng grupo na si Salve Asis ng Pilipino Star NGAYON at Pang Masa.

Para sa karagdagang detalye, maaaring i-follow ang official Facebook page ng The EDDYS (The Entertainment Editors’ Choice).

Itinatag noong 2015, ang SPEEd ay binubuo ng mga entertainment editor mula sa mga nangungunang pahayagan, tabloid at online site sa Pilipinas.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …