Fyang Smith Dingdong Bahan

Pagpunas ng laway ni Fyang sa mukha ni Dingdong ‘di nagustuhan ng netizens

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI naibigan ng netizens ang ginawa ng Pinoy Big Brother Gen 11 Big Winner na si  Fyang Smith sa kanyang kapwa-housemate na si Dingdong Bahan, ang other half ni Patrick Ramirez.

Sa isang video habang magkasama ang dalawa sa isang fan meet ay pinunasan ni Fyang ng laway si Dingdong sa mukha habang nagpapasalamat ito sa kanyang mga fans.

Ang nasabing video clip ay nag-viral sa Tiktok na may caption na, “Fyang pinahiran ng laway si Dingdong habang nagpapasalamat kay Lord at sa fans ng PBB Gen 11.”

Ilan sa mga komento ng netizens ang sumusunod:

 “bastos” 

“walang class.”

 “Squammy to the highest level.” 

“Jusko yung kanal yung breeding.”

“Normal pa ba yan?”