Thursday , June 4 2026
Sam Milby

Sam dumalang ang project, pang-minor role na lang daw

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

MARAMI ang nagsasabing relegated na lang sa mga minor role si Sam Milby since dumalang at mahihina na ang mga project na kasali siya bilang lead.

May iba pang very harsh sa pagsasabing may bitbit umanong ‘kamalasan’ ang gwapo at magaling din namang aktor na sumikat din nang todo noong early 2010’s.

Napanood namin siya sa Netflix sa movie na kasama niya ang mag-asawang sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado. Maganda ‘yung movie ha. Mahuhusay silang tatlo at matino ang kwento, pero sadly, hindi nga ito napag-usapan. 

May ilan pang projects na nakita namin si Sam doing cameo roles and he is still good looking at an effective actor.

Kahit doon sa Saving Grace with Sharon Cuneta at Julia Montes ay napakahusay niya. Baka lang talaga hindi na niya panahon at need na niyang magre-invent.

Kaya sa pagkakasali niya sa series na pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino, we expect to witness him tackling a meatier role and him be given a better exposure.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ambet Nabus

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …