Shuvee Etrata

Shuvee Etrata  sinalubong ng kanyang mga mahal sa buhay 

PUSH NA’YAN
ni Ambet Nabus

BILANG tradisyon ng mga lumalabas na housemates ay nagkaroon din ng isang bonggang homecoming Ang Island Ate ng Cebu at Sparkle artist na si Shuvee Etrata

Kasama ang First Vice President ng Sparkle GMA Artist Center na si Joy C. Marcelo, kamag-anak, kaibigan, at fans ay maluha-luhang dumating si Shuvee sa GMA Network Center. 

Lubos ang pasasalamat ni Shuvee sa suportang natanggap sa mga taong malapit sa kanya. 

Sey ni Shuvee, “Thank you my Sparkle family! I did my best inside that house, I hope I made you all proud. Because of you I am here.” 

Samantala, mapapanood muli si Shuvee sa Unang Hirit bilang host-mate this week. 

Kasama rin siya sa Ecantadia Chronicles: Sang’gre bilang Veshdita. 

Bongga talaga ang career ni Shuvee ngayon dahil na rin sa suporta ng kanyang mga fan.