Vice Ganda Nadine Lustre

Nadine at Vice Ganda’s MMFF movie inaabangan

MATABIL
ni John Fontanilla

MARAMI anf natuwang supporters ng actress  na si Nadine Lustre at  It’s Showtime host Vice Gandanang kumalat sa social media na magsasama ang dalawa sa Metro Manila Film Festival 2025.

Excited na nga ang mga supporter nina Nadine at Vice sa muling pagsasama ng mga ito sa pelikula na pang-MMFF.

Minsan nang nagkasama sa Metro Manila Film Festival sina Nadine at Vice sa pelikulang  Beauty and the Bestie kaya naman malaki ang tsansang magsama muli sa MMFF 2025 ang dalawa.

Tiyak kikita sa takilya ang pagsasamahang movie nina Nadine at Vice lalo’t parehong  nagta-top grosser sa MMFF ang kanilang mga pelikula.

Ang nasabing pelikula ay ipo-prodyus ng Viva Films at Star Cinema.