RATED R
ni Rommel Gonzales
“ANY wedding plans yet?” bungad na tanong namin kay Rayver Cruz tungkol sa kanila ni Julie Anne San Jose.
Lahad ni Rayver, “Siyempre roon naman na papunta.
“Wedding plans, napag-uusapan namin pero ‘yung wedding plans kasi gusto ko kasi siyempre ma-surprise pa rin siya kahit na sinasagot ko ito sa interview.
“Importante pa rin na wala siyang matunugan kung kailan mangyayari.”
Sa lalong madaling panahon na ba?
“Ah malalaman din naman ng lahat. At saka siyempre iyang plano na ‘yan dapat sinisimulan ko sa magulang niya.”
In any case, ready na si Rayver na maging husband at maging daddy.
“‘Pag dumating ‘yung araw na ‘yun, oo naman.
“And hindi na rin naman ako bumabata.
“Tuwang-tuwa ako sa mga pamangkin ko, sa mga anak ni Rodjun.
“So I think ‘pag dumating ang araw na iyon masaya iyon, brand new journey and panibagong simula.”
Si Rodjun Cruz na kapatid ni Rayver at misis ni Rodjun na si Dianne Medina ay may dalawang anak, sina Joaquin at Isabel.
Samantala, nagbabalik ang The Clash na umere ang pilot episode nitong Hunyo 8 kung Clash Masters o hosts sina Rayver at Julie Anne, mga hurado naman ang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha, ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista, at ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas.
Napapanood tuwing Linggo, 7:15 p.m..