I-FLEX
ni Jun Nardo
EVICTED ang Shukla duo nina Shuvee Entrata at Klarisse de Guzman last Saturday sa PBB Collab.
Affected si Vice Ganda sa pagkaka-evict ni Klarisse. May mahaba siyang post kaugnay ng journey ni Klarisse sa PBB.
Kaya naman plano niyang i-produce ang concert ni Klarisse na matagal nang naniniwala at humahanga sa husay nito.
Super bilib ni Vice sa husay ni Klarisse kaya malaking tulong ang exposure niya sa PBB kaya sa gagawin niyang concert, bibigyan niya ng moment si Klarisse!