John Arcilla Sins of the Father

John na-scam ng isang estudyante

MA at PA
ni Rommel Placente

NAIBAHAGI ni John Arcilla na minsan na rin siyang na-scam. Ito kasi ang tema ng pinakabagong serye nila, ang Sins of the Father. 

Ayon sa kwento niya, ang nang-scam sa kanya ay isang estudyante a itinuring  niyang kapamilya at napalapit na rin sa mga magulang at kapatid niya.

Pati mga kaklase ng naturang estudyante ay na-scam niyon. At noong depressed na dahil hinahabol, tumalon iyon mula sa 3rd floor.

Ang siste, naospital at naka-survive at tumakas sa ospital.

Ang latest na balita niya, nagpapalit na ng mukha ang nang-scam sa kanya para ‘di na makilala.

O ‘di ba, parang isang kwento lang sa pelikula o serye ang ibinahagi ni John?