Wednesday , June 24 2026
Ed Sheeran Sapphire

Sapphire ni Ed Sheeran release na

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

NAGBABALIK si Ed Sheeran sa pamamagitan ng bagong awitin, ang Sapphire. Ang awiting ito bale ang kasunod ng hedonistic, technicolor pop na Azizam at ng classic, heartfelt nostalgia na Old Phone.

Ang Sapphire ni Ed ay isang maliwanag na pagdiriwang ng walang hanggang pag-ibig. Tatmpok ang mapang-akit na vocal, masalimuot na South-Asian percussion, na may back-up vocals  ng maalamat na Indian artist, si Arijit Singh. Lumilikha rin ang kanta ng isang natatanging tapestry na naghahayag ng unibersal na wika ng pag-ibig. Kaya naman tiyak na ang mga tagapakinig ay madadala sa isang sonic journey  intimate at malawak, na likha ng mga talento sa produksiyon na sina Ilya Salmanzadeh, Johnny McDaid, at Savan Kotecha.

Ani Ed Sheeran, “Sapphire was the first song I finished for Play that made me know where the album was heading. It’s why I finished the recording process in Goa surrounded by some of the best musicians in India. It was an incredible creative process. I shot the music video with Liam and Nic across my India tour earlier this year, we wanted to showcase the beauty and breadth of the country and its culture. 

“The final jigsaw piece for me was getting Arijit on the record. It was a journey to get there and such an amazing day of music and family. Me and him have done a full Punjabi version of the song that will come out in the next few weeks, which has a lot more of him on it. This is the album version of the song, and my favourite song on the album. Hope you guys love it.

Ang video ng Sapphire ay idinirehe ni Liam Pethick, na nagtatampok kay Arijit Singh at may cameo role  ang aktor na si Shah Rukh Khan. Ipinakita rito si Ed habang nagtatanghal isang madaling araw sa rooftop, pagkatapos ay lumipat sa isang makulay na paglalakbay sa iba’t ibang lokasyon. Mula sa rooftop patungo sa matahimik na beach, tabing-ilog, mataong pamilihan, mga lokal na kusina at mga backlot sa Bollywood. Kabilang sa mga highlight ang pakikipagkita kay Arijit para sa isang studio session at pagsakay sa motorsiklo sa paligid ng kanyang bayan, kasama ang pagbisita sa A.R. Rahman music school, na gumaganap siya kasama ng mga lokal na musikero.

Maglalabas din si Ed ng kanyang bagong album, ang Play sa Setyembre 2025 pagkatapos niyang isara ang kabanata sa kanyang Mathematics series. 

Inanunsiyo rin ni Ed ang tatlong live show niya sa Portman Road, Ipswich na na-sold-out kaagad. Ito ay magaganap sa Hulyo 11, na nagtatampok sa mga espesyal niyang panauhin na sina Myles Smith at Tori Kelly. 

Sa Hulyo 12 sa guest naman niya sina Busted at Dylan at sa Hulyo 13 sina James Blunt at Maisie Peters. Ang mga ito ay nakatakdang maganap sa iconic home ground ng Ipswich Town FC. Ang tatlong gabing stint ay minarkahan ang unang UK headline na palabas mula noong 2023.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufina Villena Gelston

Rufina Villena Gelston, sasabak sa tatlong movies sa Inding-Indie Film

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INILUNGSAD ng Inding Indie Film ang isa sa kanilang bagong proyekto …

Ruben Maria Soriquez

Ruben Soriquez waging Best Actor, “Sin Preguntas Sin Mas” titulo ng kanyang new album

MARAMING blessings ngayon ang Filipino-Italian actor/director/singer na si Ruben Maria Soriquez. Bukod sa pagganap sa mahalagang papel sa …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Isha Ponti

Paglulunsad ng album ni Isha Ponti sinuportahan ni Kevin Miranda

MATAGUMPAY ang album launch ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart na si Isha Ponti, ang Likas noong June …

Vice Ganda Bini Juan Karlos

Vice Ganda, Juan Karlos, Bini wagi sa 17th Star Awards for Music

RATED Rni Rommel Gonzales INILABAS na ng PMPC Star Awards Inc. ang partial list of winners para …