I-FLEX
ni Jun Nardo
LUMANDING sa GMA series na Mga Batang Riles ang viral na What Haffen Vella na si Christopher Diwata na look a like ng Hollywood actor na si Taylor Lautner.
Napanood namin si Christopher sa plug ng guesting niya na may dialogue pang, “Why are you fighting me, guys?” patungkol sa Riles Boys na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, at Raheel Bhyria.
Eh dahil sa pagiging viral ni Christopher, hayun at mayrooon na siyang bagong kotse dahil sa brand deals na kumuha sa kanya.
Sa interview sa kanya, isa siyang mangingisda na amindong hirap din sa buhay.
Harinawang makatulong ang pagiging viral sensation niya para magamit ang kinikita tungo sa magandang buhay.