I-FLEX
ni Jun Nardo
SIMPLE ang ganda pero malakas ang alindog ni Julie Anne San Jose nang ilunsad siya bilang ambassadress ng produktong Simply G sa Market Market Activity Center last Saturday.
Si Julie Anne ang Bagong Bestie sa Confidence Club na binuo kaugnay ng Simply G! Bihis at porma pa lang, tulo laway na si Rayver Cruz. Hahaha!
Bagay na bagay kay Julie Anne ang produkto ng Simply G dahil sa kahit sa simpleng ganda niya eh malakas ang aktraksiyon niya sa fans especially sa BF niyang si Rayver.
Soon, mapapanood si Julie bilang main host ng bagong season ng The Clash with BF Rayver.