Monday , June 16 2025
Sipat Mat Vicencio

Kailangang ‘pilayan’ ni Bongbong si Sara

SIPAT
ni Mat Vicencio

NGAYON ang panahong hindi dapat magdalawang-isip si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para tuluyang magdesisyong ‘walisin’ ang mga sagabal sa kanyang pamahalaan lalo na si Vice President Sara Duterte.

Walang puwang kay Sara ang salitang ‘areglo’ maliban sa layuning maipaghiganti ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na ipinakulong ng kasalukuyang pamahalaan sa The Hague, Netherlands.

Kaya nga, mali ang panawagang pakikipag-ayos ni Bongbong sa pamilyang Duterte higit sa lahat kay Sara dahil malinaw ang pagpapakita ng kahinaan ng kanyang liderato bilang isang pangulo.

Sabi pa ni Senator Ping Lacson: “The openness to reconcile with the Duterte family is very typical of PBBM’s character. Yet, his kindness and goodwill in dealing with others are sometimes interpreted by both his allies and adversaries as a weakness in his leadership.”

At ang nalalabing hakbang o pamamaraan ni Bongbong ay iparamdam sa mga kalaban ang ‘kamay na bakal’ ng pamahalaan at tuluyang gibain si Sara na nahaharap ngayon sa impeachment trial sa Senado.

Maipakikita ng kasalukuyang gobyerno ang kapangyarihan nito, higit sa lahat ang impluwensiya ni Bongbong sa sandaling makuha ang guilty verdict sa pagdinig sa impeachment case na kinakaharap ni Sara.

Hindi iilan ang nagsasabing sa sandaling makahulagpos si Sara sa kasong kinakaharap sa Senado, tinitiyak na tatakbo ang bise presidente sa 2028 presidential elections at sinisigurong mananalo bilang pangulo.

At marami rin ang nagsasabing, sakaling maging pangulo si Sara, asahan ni Bongbong na patong-patong ang kasong kanyang kakaharapin at tiyak na ipakukulong tulad nang nangyari kay Digong.

Hindi dapat hayaan ni Bongbong na mangyaring tuluyang makabangon si Sara. Sa pagsalang sa impeachment trial sa Senado, siguruhing guilty si Sara. Unahan mo na, Bonget!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Mat Vicencio

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pamilya sa lansangan may pag-asa kay Rex

SIPATni Mat Vicencio KUNG naglipana man sa lansangan ang mga taong-grasa at pulubi, higit na nakababahala …

Firing Line Robert Roque

Social media, dapat panig sa katotohanan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ANG INILAHAD ni Defense Secretary Gilbert Teodoro sa Shangri-La …

Dragon Lady Amor Virata

May titiba na naman sa NCAP  

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata TINANGGAL na nga ng Korte Suprema ang temporary restraining …

YANIG ni Bong Ramos

Hanay ng mga vendor sa Maynila, nagpapasalamat na kay Yorme Isko

YANIGni Bong Ramos LUBOS na nagpapasalamat kay Yorme Isko Moreno ang hanay ng mga vendor …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tamang desisyon… tamang opisyal sa tamang posisyon

AKSYON AGADni Almar Danguilan TAMA! Ang alin? Ang ginawang desisyon ni Pangulong Bong Bong Marcos …