RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGING housemate si Ashley Ortega sa loob ng tatlong linggo sa Bahay Ni Kuya sa Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition ng GMA at ABS-CBN bago na-evict noong March 29.
At ayon sa Sparkle female star, “Ako, kinabahan talaga sa loob ng bahay ni Kuya, kasi hindi ko alam kung mamahalin ba ako ng mga tao for who I am as a person.
“Kasi before ‘PBB House’, mga presscon, alam natin ‘yung very showbiz answers, sanay ako sa mga ganyan.
“But actually, after joining ‘PBB’, I feel like it’s easier for me to answer, like sa press actually, to answer in a natural way, na walang masyadong itinatago.
“So I just really appreciate… mas naging open po ako and siguro ‘yung mga ano, some sa love life, some sa family ko, I’ll just keep it private.
“Pero now, I’m more open and just find the balance in it and you know, the people will see the beauty in me naman,” seryosong pahayag ni Ashley.
Na-evict man sa Bahay ni Kuya ay sunod-sunod ang blessings kay Ashley. Siya ang bagong brand ambassador ng Luxe Slim beauty and wellness drink na produkto ng Luxe Beauty and Wellness Ventures Corp. ng CEO at founder na si Anna Magkawas.
Nagkaroon si Ashley ng contract signing sa naturang kompanya kamakailan.