Thursday , May 22 2025
Nora Aunor Bongbong Marcos Ian de Leon Matet de Leon

Nora muling binigyang pugay ni PBBM, Lotlot nagpasalamat

MA at PA
ni Rommel Placente

NOONG Linggo, May 4, ay binigyan ng posthumous award ni Pangulong Bongbong Marcos ang Nag-iisang Superstar at National Artist For Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor. Ito ay ang Presidential Medal of Merit.

Kahit sumakabilang buhay na si ate Guy ay tuloy-tuloy pa rin ang pagtanggap niya ng award.

For the record, si ate Guy ang pinaka-awarded na aktres sa Philippine showbiz. At hindi lang sa Pilipinas kinikilala ang husay niya sa pagganap, maging sa ibang bansa din.

Ang ilan sa mga International Awards ni ate Guy ay ang Best Actress noong 1995 sa Cairo Int’l Film Fest  para sa The Flor Contemplacion Story, 1996 Malaysia Int’l Filmfest Best Actress para sa Bakit May Kahapon Pa, at  2004 Brussells Int’l Filmfest Best Actress para sa Naglalayag.

Dahil sa posthumous award na iginawad ng ating pangulo kay ate Guy, nagpasalamat sa kanya ang anak nitong si Lotlot de Leon kinabukasan, May 5, sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Post ni Lotlot, “Yesterday, our beloved National Artist, our mother,

Ms. Nora Aunor, was once again given a prestigious honor—posthumously awarded the Presidential Medal of Merit by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., with the gracious presence and support of First Lady Liza Araneta Marcos.Our hearts are full.”

About Rommel Placente

Check Also

Romm Burlat

Parang abot ko ang kamay ng Diyos kapag nakatutulong sa mga nangangailangan — Direk Romm Burlat

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NABALITAAN namin kamakailan sa award-winning actor-director na si Romm Burlat …

David Licauco

 I Think I Love You ni David Licauco mabilis na minahal ng fans

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez GUMAGAWA na rin ngayon ng pangalan si David Licauco sa mundo …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Frankie Yaya Irish Miel Miguel

Sharon binitbit Yaya ni Frankie sa Amerika

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKATUTUWA naman iyong ginawa nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan. Dinala …

Ruffa Gutierrez Mr Harry

Yilmaz ‘di na tuloy pagbisita ng ‘Pinas 

I-FLEXni Jun Nardo GIFT from heaven ang tawag kay Ruffa Gutierrez ng may-ari ng Magical …

Binibining Pilipinas 2024 Glam Shot Photo Exibit

Ganda at Glamour: Binibining Pilipinas 2025 Photo Exhibit, Tampok sa Araneta City

BINUKSAN ng Araneta City ang 2025 Binibining Pilipinas Glam Shot Photo Exhibit tampok ang mga …