MA at PA
ni Rommel Placente
ISA pang pangarap ni Alden Richards ang gusto niyang maabot, ang maging piloto.
Opisyal na kasi niyang sinimulan ang kanyang flight training sa isang aviation school sa Clark, Pampanga.
Sa kanyang Instagram post, ipinasilip ni Alden ang pagpunta sa Alpha Aviation Group sa Mabalacat.
Makikita sa mga ipinost niya ang mga larawan na may caption na “ready for trainining.
“Reaching new heights, one flight at a time.”
Noong nakaraang buwan, ibinahagi ni Alden na nabigyan siya ng scholarship mula sa isang aviation school sa Clark.
Hindi man niya binanggit ang pangalan ng eskuwelahan, sinabi niya na pinili niyang manahimik muna hanggang maging final ang lahat.
Pangarap talaga ng kanyang ama ang maging isang piloto siya.
Hopefully, kung kaya this year ay matapos na niya ‘yung course, then lipad- lipad na siya.
Bukod sa pagpipiloto, busy din si Alden sa marathon at pagbibisikleta. In fact, sa May 11 ay may Lights Camera Run project siya, na dadaluhan ng mga kaibigang artista tulad nina Barbie Forteza, Kim Chiu, at Paulo Avelino.