Friday , May 23 2025
Lito Lapid Nora Aunor

Lito nagdalamhati sa pagkawala ng nag-iisang Superstar

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

INALALA ni Sen Lito Lapid ang naging pagsasama nila ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor bilang pagbibigay pugay sa pambihirang galing nito.

Lubos din ang kanyang pagdadalamhati sa pagpanaw ng ‘ika niya’y ng isang tunay na alamat sa larangan ng sining at pelikulang Filipino.

Aniya, “Mapa-arte man o kantahan, komedya man o drama, telebisyon man o pinilakang tabing, ang anking talento ni Nora ay nagningning ng higit sa kaninumang bituin sa kasaysayan ng ating bansa.”

Sinabi pa ng aktor/politiko na sa 200 pelikula at 

palabas na tinampukan ni Nora, hindi lamang ito nakapagbigay aliw sa ating mga kababayan, kundi nagsilbing liwanag na nagdala sa atin sa ginintuang panahon ng pelikulang Filipino habang sinasalamin ang realidad ng buhay na siyang nagbigay kamulatan sa marami nating kababayan.

Sa kanyang mga pagganap, binigyang tinig niya ang mga naaapi, ang mga tahimik, at ang mga nawalan ng boses sa lipunan. Ipinakita niya na ang sining ay hindi lang aliwan—ito ay maaaring maging makapangyarihang sandata para pukawin ang damdamin, imulat ang isipan, at itulak ang pagbabago.

Apatnapu’t limang taon na ang nakalilipas, ay nagtambal kami sa dalawang drama film na idinirehe ng yumaong batikang direktor na Mario O’Hara. ‘Kastilyong Buhangin ‘noong 1980 at ‘Gaano Kita Kamahal’ noong 1981. Doon ko namalas ng personal ang pambihirang galing ng isang Nora.”

Binigyang papuri rin ni Supremo Lito ang pagiging propesyonal nj Nora. “Hindi lang ‘yan mapagkumbaba, at puno ng malasakit din sa kapwa ang nag-iisang Superstar. Ang kanyang pamana ay hindi matutumbasan at ang kanyang pagkawala ay isang malaking kawalan sa ating bansa.

“Inaalala natin siya bilang isang premyadong aktress, asawa, ina, alagad ng sining, at tunay na Filipina.”

Sa huli nagpahayag ng pakikiramay ang senador. Anito, “Sa pamilya, mga kaibigan, at sa milyon-milyong tagahanga ni Nora Aunor—ipinaabot ko po ang ating taos-pusong pagdamay.

Mabuhay ang alaala ng Superstar.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Nadine Lustre Leila de Lima

Nadine kinampihan ni Leila de Lima 

I-FLEXni Jun Nardo NAKAHANAP ng kakampi ang aktres na si Nadine Lustre kay ML Party List representative na si Leila …

Jen Boles Tres Chic Luxury Original

Tres Chic ni Doc Jen Boles nagbibigay trabaho sa mga artista

NAPAKA-POSITIBO ng outlook sa buhay ng aktres, businesswoman na si Doc. Jhen Boles ang CEO & Presidente ng Tres …

Nadine Lustre

Nadine nagsampa ng reklamo sa mga abusadong social media users

NAGSAMPA ng reklamo si Nadine Lustre kaugnay sa Safe Space Act dahil sa natatanggap niyang malisyosong mensahe …

Moulin Rouge The Musicale

Moulin Rouge: The Musicale pasabog sa Rampa grand reopening

MULI na namang ile-level-up ng Rampa Drag Club ang landscape ng LGBTQ+ nightlife ng bansa sa opisyal …

Kathryn Bernardo Zion Massage Chair Zion Soothing Haven Inc

Kathryn natagpuan na ang kanyang  ‘The One’

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAHANAP na ng Asia’s Superstar at Box Office Queen, Kathryn Bernardo ang kanyang …