Tuesday , February 10 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeffrey Santos

Jeffrey may layang magpaka-brutal sa Beyond The Call of Duty

RATED R
ni Rommel Gonzales

KONTRABIDA si Jeffrey Santos sa isinu-shoot ngayong pelikula na Beyond The Call Of Duty ng LCS Productions at PinoyFlix Films and Entertainment Production.

“Sa istorya, tao ko si Bella,” umpisang kuwento sa amin ni Jeffrey.

So itong si Martin [na PNP ang papel], napatay niya ‘yung kapatid ko during a bank robbery.

“Ako naman sa umpisa pa lang ng pelikula, nakakulong na ako. Ipakikita nila ‘yung transport ko, airplane to kulong.”

Ang mga bumubuo ng cast ng pelikula, bukod kay Jeffrey, ay sina Sparkle actor Martin del Rosario, Mart Escudero, Paulo Gumabao, Maxine Trinidad, Bella Thompson, Lance Lucido, Devon Seron, at Christian Singson.

Maraming beses nang nakatrabaho ni Jeffrey ang direktor ng pelikula na si direk Jose “JR” Olinares (na supervising producer din ng pelikula) kaya naging magkaibigan na ang dalawa.

At binigyan ni direk JR si Jeffrey ng karapatan na magbigay ng input sa kanyang role sa pelikula.

Binigyan naman niya ako ng enough leeway tinanong ko lang, ‘Ano bang hinahabol natin sa MTRCB?’

“Kasi para malaman ko kung hanggang saan ka-brutal ang puwede kong igalaw. Sabi niya naghahabol daw siya ng PG-13.

“Sabi ko ‘pag PG-13 bawal ka magmura, bawal ang dugo, alam ko I mean ‘yung splatter-splatter okay lang pero ‘yung brutal na pointblank bawal ‘yun.

“‘Yung galos-galos, nadapa, nasugatan okay lang ‘yun, okay lang, pero kapag talagang tututukan bawal iyan kung PG13 ang hinahabol mo.

“Ngayon kung gusto mong mag-16 medyo may laban tayo.

“Puwede nating gawing brutal ng kaunti pero accepted at may audience ka pa rin,” saad pa ni Jeffrey.

Ang Beyond The Call Of Duty ay pelikulang tungkol sa buhay ng mga pulis at bumbero rito sa ating bansa.

Sina former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson at anak nitong si Stephanie Singson ang mga executive producer ng pelikula (LCS Film Production), si Billy Ray Oyanib ang co-director at si Sam Faj Calaca naman ang tumatayong line producer.

Katuwang nila sa pagbuo ng pelikula ang Philippine National Police (PNP), Philippine Public Safey College (PPSC), Bureau of Fire Protection (BFP), at ang PNP Officers Ladies Club (OLC) Foundation, Inc..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Shira Tweg Tine Areola Bambbi Fuentes Direk Louie Mantsa

Shira Tweg at produ na sina Tine Areola and Bambbi Fuentes, may patikim sa pelikulang “Mantsa”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULA nang mag-shooting si Direk Louie Ignacio para sa pelikulang …

Martin Venegas Project Loki

Martin Venegas excited makatrabaho si Direk Xian Lim 

MATABILni John Fontanilla EXCITED nang makatrabaho ng Viva artist na si Martin Venegas ang kanilang direktor na si Xian Lim sa Project …

Kiray Celis Stephan Estopia Kirays Brands

Kiray paspas sa pagbuo ng pitong anak

HARD TALKni Pilar Mateo STALKER! Mayroon pala niyon si Kiray (Celis-Estopia).  Sumusulpot sa mga event niya. …

Ice Seguerra Fire and Ice

Fire and Ice lumawak pa — may stage prod, pelikula, serye, at consultancy

HARD TALKni Pilar Mateo MORE and more in store.  Ang ihahatid ng Fire and Ice, ng …

Ejay Falcon

Ejay pag-arte hindi tatalikuran

RATED Rni Rommel Gonzales SA eleksiyon last year ay nabigo si Ejay Falcon, na noon ay bise …