Thursday , June 4 2026
Coco Martin Lito Lapid

Coco, Lito magmo-motorcade sa Cavite sa Abril 10

MAGSASAMANG muli sina Senador Lito Lapid at Direk Coco Martin matapos ang pagkamatay ni Supremo aka “Primo” sa Batang Quiapo sa kampanya serye sa Cavite bukas, Huwebes, April 10.

Sinabi ni Lito na itinuturing niyang anak si Coco dahil sa higit sampung taon nilang pagsasama sa mga  teleserye at mga pelikula, kabilang na ang FPJ’s Ang Probinsyano at Apag.

Ayon pa sa senador, mabait at matulungin si Coco at ilan ito sa mga katangiang nagustuhan niya sa aktor at direktor ng BQ.

Nauna nang nakiusap ang premyadong actor/direktor sa mga Batagueño na iboto si Sen Lito (#35) sa nalalapit na 2025 elections sa May 12.

Sa kanyang mensahe sa proclamation rally ng FPJ Panday Bayanihan Partylist sa Malvar, Batangas, hiniling ni Coco na iboto ng mga Batangueño si Lito, ang Supremo sa Batang Quiapo.

Gusto ko rin po sanang hilingin sa inyo ang isa sa aking inirerespeto, mahal na kaibigan na itinuturing ko ring ama, hindi ako mapapalapit sa taong ito kung hindi ko nakita sa kanya ang kabutihan, kababaang-loob, pagkilos at pagiging tapat, sana po ay suportahan din natin si Sen. Lito Lapid, number 35 sa balota.” 

Nagpasalamat naman si Sen Lito sa endorsement ni Coco at pamilya ni Sen Grace Poe.

Sinabi ni Sen. Lapid na hindi niya malilimutan ang malaking naitulong ni Fernando Poe Jr.  sa kanilang pamilya dahil ang kanyang ama na si Jose Lapid ay naging stuntman noon ni Da King.

 “Walang Lapid sa pelikula kung walang FPJ. Noong ako po’y nagsimula maging bida sa pelikula, sinuportahan po ako ni FPJ. Nagbida po ako noon sa ‘Jess Lapid Story.’ Wala po si Jess Lapid Sr. kung walang FPJ. Kaya po wala rin sa politika si Lito Lapid na nasa harap n’yo ngayon kung walang FPJ,”  ani Lito.

Si Jess Lapid Sr. ay tiyuhin ni Lito.

Nagka-tambal sina FPJ at Lapid sa pelikulang Kalibre .45 noong 1980, kasama ang namayapang si Eddie Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …