Angel Locsin

Pictures ni Angel viral, dumalo raw sa ABS CBN Ball

I-FLEX
ni Jun Nardo

LUMUTANG ang isang glamorosang picture ni Angel Locsin na tila ipinahihiwatig na dumalo siya sa nakaraang ABS CBN Ball.

Kinontra naman agad ito ng ilang netizens at sinabing 2018 ball pa iyon ng network, huh!

Siyempre, kung dumalo si Angel, pinagpistahan na ito sa lahat ng platforms! Ilang taon na kaya siyang hinahanap sa showbiz, huh.

Eh ultimo nga burol ng ama, walang naka-spot sa kanya kung dumating si Angel. Eh choice niyang maging malayo sa paningin ng showbiz kaya huwag basagin ang trip niya.