RATED R
ni Rommel Gonzales
PATULOY na nagiging inspirasyon sa marami ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards hindi lamang sa kanyang mga proyekto sa telebisyon at pelikula kundi pati na rin sa kanyang commitment sa healthy lifestyle.
Sa kanyang fitness journey, ibinahagi ni Alden ang benefits ng pagiging active at sa pag-aalaga ng kalusugan.
“Gusto ko mas ma-inspire sila na alagaan ang sarili nila and at the same time, ma-realize nila kung gaano kasaya at ka-fulfilling ang mga ganitong activity, kahit simpleng jogging pa ‘yan. Marami kang nami-meet na mga bagong kaibigan, nakaka-bonding mo rin ang loved ones mo, and together mas nagiging healthy kayo.
“For me ‘yun naman lagi ang goal ko–to have a happier, meaningful, and peaceful life with them.” ani Alden.
Sa May 11, magho-host si Alden ng isang Fun Run na ang layunin ay makapagbigay ng tulong sa Mowelfund or Movie Workers Welfare Foundation. Hinihikayat ni Alden ang lahat na makiisa sa event na ito, hindi lamang para sa kanilang kalusugan kundi para rin makatulong sa mga nangangailangan.
Simulan ang healthy lifestyle at sumali na rin sa Lights, Camera, Run! Takbo Para Sa Pelikulang Pilipino.