Friday , June 5 2026
Ivana Alawi Fyang Smith Kathryn Bernardo Anne Curtis

Fyang Smith gustong makatrabaho sina Kathryn at Anne

MA at PA
ni Rommel Placente

PURING-PURI ni Ivana Alawi ang ugali at personalidad ni Fyang Smith. Nag-enjoy si Ivana sa vlog collab nila ni Fyang at umaasang mabibigyan sila ng pagkakataon na magkasama sa isang acting project.

Sa isang panayam, nahingan si Fyang ng reaksiyon sa magagandang salita na ibinigay ni Ivana patungkol sa kanya.

“Dumaan po siya sa feed ko and sobrang na-touch po ako. Sobrang na-overwhelm po ako kasi nag-iisang Ivana Alawi na sinabi na ako ‘yung favorite niya.

“Tungkol po sa vlog namin, actually nakalimutan ko po na vlog po pala ‘yun sa super nag-enjoy po talaga ako with Miss Ivana,” aniya.

Dagdag pa ng dalaga, “Actually si Miss Ivana rin po ‘yung gusto kong maka-work if ever may teleserye or movie, super happy po ako.”

Sa chikahan ng dalawang Kapamilya stars, nalaman ng madlang pipol na pareho rin nilang gustong maka-work sina Kathryn Bernardo at Anne Curtis.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …