MATABIL
ni John Fontanilla
GINULANTANG ni Nadine Lustre ang socmed nang mag-post ng litrato sa kanyang Instagram na humamig ng 229k heart.
Ang nasabing larawan ay kuha sa isang garden, kagubatan o halamanan habang nakatalikod si Nadine at kitang-kita ang maganda at makinis nitong likod.
Komento ng netizen: “Bakit ang ganda pa rin kahit nakatalikod lang.”
” Ang sexy kahit nakatalikod.”
“Our Tropical Queen.”
“Pinapamukha mo ba sa akin na likod mo pa lang maganda na?”
“Pahipo ng likod mo Ms. Nadine.”
“Wow sexy back.”
“She is mother nature slaaay!”
“Our tropical queen.”