Thursday , June 4 2026
Baron Geisler

Baron sumisigaw ng hustisya, pagkakulong fake news

MA at PA
ni Rommel Placente

KAUGNAY ng mga balitang  naglabasan tungkol sa pagkakakulong umano ni Baron Geisler sa Mandaue City, Cebu matapos daw magwala dahil sa kalasingan noong Sabado, February 22 at nakapagpyansa rin naman at nakalaya. 

Aminadong naapektuhan ng latest isyu si Baron  at ang pamilya nito pero pinarating ng aktor na okey na okey siya at nakaluwas na ng Maynila para sa shooting ng bago niyang pelikula kasama ang asawang si Jamie.

Sa kanyang interview sa Kapatid Network, bagamat hindi idinetalye ang nangyari, hindi raw siya  papayag na gawin ito sa  kahit kanino kasi maling-mali raw talaga ang  lahat ng lumabas so, kailangan daw ng hustisya para riyan. 

“The truth will come out naman. Laban lang sa buhay and I choose to be happy,” sey pa ni Baron.

Nagpapasalamat daw siya sa pagiging supportive ng asawang si Jamie. Ito nga raw ang sumasagot sa mga message at tumawag na nga raw ito sa police station, pero hanggang doon na lamang ang maibabahagi niya.

I want to make it clear, I’m ok, and I’m seeking legal advice to address this properly,” aniya pa.

O ayan, sa  mga nag-iimbento ng mga maling balita tungkol kay Baron, handa pala niya kayong kasuhan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …