Friday , June 5 2026
Bernard Cloma Buffalo Kids

Show producer naluha sa Buffalo Kids

MATABIL
ni John Fontanilla

HINDI raw naiwasang maluha sa animation movie na Buffalo Kids ang show producer na si Bernard Cloma dahil sa ganda ng istorya ng pelikulang hatid ng Nathan Studios ni Ms Sylvia Sanchez.

Tsika ni Bernard, isa sa naimbitahan para mapanood ang advance screening ng Buffalo Kids sa Gateway 2 Cineplex Cinema 12 kamakailan, na na-touch siya at naluha sa story ng orphan kids na sina Nick, Mary, at Tom.

Naka-relate raw si Bernard kina Mary and Tom na kahit bata pa ay ginamit ang kanilang talento para maka-survie, katulad niya noong walang-wala pa siya na ginamit niya ang kanyang diskarte para mabuhay at maabot kung ano man ang kinalalagyan niya ngayon.

Dagdag pa ni Bernard na karapat-dapat na panoorin ng buong pamilya ang Buffalo Kids dahil ‘di lang ito maganda, kung hindi may aral pang kapupulutan ang mga manonood nito, pero kailangan n’yong magdala ng panyo dahil may mga eksenang talaga namang dudurog ng inyong puso.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …