Rhea Tan Mommy Pacita Anicoche Pacita Mansion

Pacita Mansion regalo ni Rei Tan sa ina

MATABIL
ni John Fontanilla

DREAM come true para sa napaka-generous na CE0 & President ng Beautederm na si Ms Rei Anicoche -Tan ang mabigyan ng isang mala-palasyong bahay ang kanyang minamahal na ina, si Mommy Pacita Anicoche.

Ang nasabing mansion ay ang Pacita Mansion sa Vigan, Ilocos Sur at dalawang taon ang ginugol para maitayo iyon

Ang Pacita Masion ay may Spanish/ American design na talaga namang napakaganda.

Kaya naman kapag napag-desisyonan ni Mam Rei na gawin itong hotel at  i-open  for public ay paniguradong dudumugin ito ng mga taong gustong maranasang mag-stay sa napakagandang mansion. Dagdag turismo na rin ito sa bayan ng Ilocos.

Ilang media people at Beautederm ambassadors ang na-experience na mag-stay sa Pacita Mansion ang talaga namang nag-enjoy at nangakong babalik roon.