Saturday , February 8 2025
San Sebastian Isang Musikal Lipa Actors Company

San Sebastian: Isang Musikal ng Lipa Actors Company panimulang pagdiriwang ng kapistahan ng Lipa City

ni Maricris Valdez Nicasio

KAHANGA-HANGA ang husay ng Lipa Actors Company na nagsagawa ng San Sebastian: Isang Musikal sa San Sebastian Cathedral bilang bahagi ng siyam na araw na pagdiriwang ng kapistahan ng Lipa City.

Sayang at isang araw lamang isinagawa ang musikal, noong Enero 11, na pinagbidahan ni Vince Conrad ng Lipa Actors Company at gumanap bilang ang martir na si San Sebastian.

Ayon kay Joel Pena, producer at artistic consultant ng San Sebastian: Isang Musikal, pambungad na selebrasyon ang San Sebastian:Isang Musikal ng kanilang kapistahan. Ang musical ay isinulat at idinirehe ni Luisito Nario, musika ni Fernando Silva, at ipinrodyus ni G. Pena. Bale ito ang ikalawang taong ginagawa ang musikal na unang napanood noong Enero 11, 2024 at naulit nitong 2025.

Balak namin na palawigin pa ang pagpapalabas ng ‘San Sebastian:Isang Musikal’ hindi lamang sa aming Cathedral na ipalalabas maging sa mga eskuwelahan. Para malaman din ng mga estudyante ang kabayanihan at kung bakit naging santo si San Sebastian,” pahayag ni Joel nang makahuntahan namin pagkatapos ng palabas.

Kasama ring gumanap sa musikal sina Peregrine Santiago bilang si Emperador Dioklesyano, Carlo Aguila bilsnh Galerius, Nayla Malimban bilang Faunus, Rina Delgado bilang Atticus at marami pang iba.

Magkakaroon din ng Yabangan Nights 2025 na ani Joel ay attractive sa mga bagets at gaganapin sa Enero 18-19. “Kung pamilyar kasa Greenhills na nakatambay ang mga kotse na nakaporma, nagkakarera tulad din doon. Ginagawa iyan sa aming expressway, nakatambay doon at yabangan, ipaparada ang mga kotse, mag-iingay, paiingayin ang mga tambutso. Siguro mga 10,000 or more ang mga taong naroon, mayroong may kotse, mayroon namang nanonood lang.”

Mayroon ding Wet & Wild 2 na tampok sina Dionela, Juan, Mike Swift, Minus Tro, at Audiovaux. Naglagay din silang The Outlets o tinatawag na housing expo, at magkakaroon din ng singing contest.  At ang pinaka-excited sila ay ang Rigodon na magaganap sa Linggo ng gabi sa plaza.

“Last year ang team ay Traje de Mestisa ‘yung habi. Basta sa tuwing kapistahan ng Lipa taon-taon may mga tradisyonal silang ginagawa, inile-level up lang namin. May mga fashion show about sa mga terno, gawa ng designers ng Lipa o ng mga iba pang magagaling na humabi.

“Ang aming strength ay maraming designer dito dahil city ito. ‘Yung tiangge naman naming food nagsimula rin tuwing unang araw ng kapistahan. May mga novena rin tapos ‘yun ngang play. May Ms Gay din at chess tournament. Basta marami kaming activities na ginagawa.

“Pero siyempre itong ‘San Sebastian: Isang Musikal’ ang pinaka-highlight din ng aming kapistahan. Napaka-popular din ito sa Spain na ‘yung start ng Camino iyong pilgrimage sa Spain na naglalakad, doon iyong San Sebastian. Tapos may isang town sa Spain na ipinangalan sa kanya na popular talaga. Triving city of good food and arts and laging starting point ng Camino iyong lugar na iyon nga,” kuwento pa ni Joel.

Inaasahan ng mga taga-Lipa na marami ang makiki-fiesta sa kanila ngayong taon na sa Lunes, January 20 ay magkakaroon ng Grand Float Parade na tatampukan nina Christian Bables, Queenay Mercado, Ronnie Liang, at Mariztela Lat. At sa gabi isang konsiyerto ang handog ni KZ Tandingan na gagawin sa Plaza Independencia, Lipa City.

Napaka-progresibo na talaga ng Lipa na kung dati, sikat lang ang San Sebastian Cathedral dahil dito ikinasal sina Vilma Santos at Sec. Ralph Recto ngayon ay dinarayo na rin ng napakaraming tao mula sa iba’t ibang lugar ang  simbahang ito na patron saint ng mga sundalo.

Ang team ng kapistahan ng Lipa ngayong taon ay Tourism Slogan/Campaign Tagline, ang #EatPrayLoveLipa.

Idinagdag pa ni Joel na hindi magiging matagumpay ang kanilang kapistahan kung wala ang mga taong nasa likod nito tulad ni dating konsehal Gwendolyn K. Wong, may-ari ng Lipa’s First Regional Mall, Fiesta World Mall na siya ring Chairman ng Lipa City Fiesta Executive Committee 2025; ang Honorary Chairman naman ng Lipa City Fiesta Executive Committee 2025 ay si Mayor ERIC B. AFRICA, at ang Parish Priest ng San Sebastian Cathedral na nagpa-unlad para roon ipalabas ang musikal ay si Monsignor Ruben Dimaculangan. 

Chairman din si Joel sa Buhay ng San Sebastian Committee na ang project ay nga itong Year 2 ng pagpapalabas ng San Sebastian: Isang Musikal. 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gladys Reyes Christopher Roxas

Gladys mahirap pantayan, tumatak na bilang bida-kontrabida

HARD TALKni Pilar Mateo TRULY! Maituturing na Darlingsof the Press ang power couple na sina Gladys …

Herlene Budol Binibining Marikit

Herlene iginiit ayaw nang mainlab sa kapartner

MA at PAni Rommel Placente SA mediacon ng bagong serye ng GMA 7 na Binibining Marikit, inamin ng …

Gandang Gabi Vice Angel Locsin PGT

Ogie Diaz kinompirma, dating show ni Vice Ganda na GGV ibabalik; Angel mapapanood sa PGT?

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Ogie Diaz sa vlog nila ni Mama Loi at Tita Jegs na Showbiz Update na ibabalik …

Barbie Hsu Connected Meteor Garden

Barbie Hsu bahagi na ng Pinoy culture

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MARAMI pa rin ang nagbibigay ng kanya-kanyang ‘pasasalamat’ sa yumaong si Barbie …

Maymay Entrata Pia Wurtzbach Heart Evangelista

Maymay posibleng gayahin Pia at Heart, kakarerin projects sa int’l runway

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA rin ang goal ni Maymay Entrata na re-introduce ang sarili very soon. …