Papa Ding Papa Ace Papa Jepoy Janna Chu Chu Lady Gracia Papa Dudut Barangay LSFM 97.1

DJ’s ng Baranggay LS dinumog sa Valenzuela City

MATABIL
ni John Fontanilla

GRABENG kasiyahan ang naramdaman ng mga DJ ng Barangay LSFM 97.1 sa dami ng taong pumunta sa katatapos na Paskong Pasasalamat hatid ng GMA radio  na ginanap sa Peoples Park Amphi-Theater, Valenzuela City.

Mula sa 2,000 expected na taong dadalo ay  umabot ng halos 5,000 ang nanood at nakisaya, kaya naman masayang-masaya ang mga nag-host  na sina Papa Ding, Papa Ace, Papa Jepoy, Janna Chu Chu, Lady Gracia, at Papa Dudut.

Nag-perform at nagbigay saya naman sina Jillian Ward, Hanah Precillas, Jennifer Maravilla, Papa Obet, Nadj Zablan, Naya Ambi, Cloe Redondo, at Bont Bryan.

Nakatanggap ng P20,000 ang nagwagi sa Dance Fitness Contest. Namahagi ng t-shirt, tote bag ang mga barangay LSFM DJ’s.

Ang Paskong Pasasalamat, Power Pomp Girls ng GMA Radio (Barangay LSFM, DZBB 594) ay hatid ng Uniliver sa pakikipagtulungan ng Sanguniang Bayan ng Valenzuela City.