Thursday , June 4 2026
Aicelle Santos Isang Himala

Aicelle Santos  minsan nang nakaranas ng himala

MATABIL
ni John Fontanilla

NANINIWALA ang mahusay na singer at dating Gigi ng Miss Saigon na si Aicelle Santos sa himala.

Kuwento ni Aicelle na gumaganap na Elsa sa pelikulang Isang Himala, entry ng CreaZion Studios sa 50th Metro Manila Film Festival na minsan na siyang nakasaksi ng himala sa kanyang pamilya noong 2012.

Kuwento ni Aicelle, mismong sa mga kapatid niya na nagkasakit na-experience niya ang himala. Parehong malubha ang karamdaman ng mga ito. Ang isang kapatid ay mayroong myocardities at ang isa naman ay may cancer. Parehong himalang gumaling ang mga ito, ayon kay Acielle na isang malaking himala ang nangyari sa kanila.

Kasi tayo kapag mayroong pamilya na nagkakasakit, ang katangi-tangi mo lang namang tatawagin ay ang Panginoon, ‘yun lang naman talaga, Siya.

“Ang kapangyarihan ng paggaling ay ‘di nanggagaling sa tao, ang paggaling ay galing kay God, ang Diyos na nasa itaas.

All we can do as human is honor them and pray that we will be healed, that we are healed.”

Ngayon nga ay parehong okey na okey na ang mga kapatid ni Aicelle.

“My sister now has a family, ang pangalan po ng anak niya ay Hiwaga, she name her daughter Hiwaga.

“Siyempre talagang ‘pag nag-chemo ka, hindi mo alam how you produce the eggs, napakaganda po ng anak niya, si Hiwaga, sa aming magkakapatid siya lang ‘yung maputi.

Si Aaron naman po ay isang nurse sa UK, he’s been there since 2018.”

Ang Isang Hinala ay mula sa panulat ng National Artist Ricky Lee, music by Vincent De Jesusand directed by Pepe Diokno.

Makakasama ni Aicelle sa Isang Himala sina David Ezra, Kakki Teodoro, Bituin Escalante, Floyd Tena, Sweet Plantado Tiongson, Neomi Gonzales atbp..

Mapapanood simula  December 25  (Christmas Day).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …