Thursday , June 4 2026
Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan ng kanyang mga abogado. Masyado raw na-stress si Neri sa nangyari sa kanya. Pero ilang araw lang siyang pinayagan ng korte, pagkatapos niyon ibabalik siya sa Pasay City Jail.

Mai-stress talaga si Neri sa city jail, over populated ang mga kulungan sa NCR, kaya hindi ba si Ricardo Cepeda nga ikinulong sa Cagayan na mas maluwag at mas mabuti ang kalagayan? Sa city jail problema pati ang kalinisan, kasi ang dami nila eh. Kaya karamihan sa mga preso nagkakaroon ng galis. Isipin ninyo iyong gandang iyon ni Neri kung magiging galisin? At walang piyansa iyong kaso niya. Kung walang magagawa ang abogado niya, kawawa si Neri. Bakit hindi nila subukan kung ano ang magagawa ni Kiko Pangilinan, tutal nagsabi naman siyang handa siyang tumulong kay Neri? 

Asikasuhin na lang niya si Neri kaysa magkampanya pa siya bilang senador, may nagawa pa siyang mas mabuti. Kung matutulungan niya si Neri, baka ikampanya pa siya o igawa ng jingle ng Parokya ni Edgar,matutupad pa ang ambisyon niya sa 2028. 

Aba sa ngayon mas iboboto naman namin si Kiko sa 2028 kaysa kay Inday Sarah.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …