Thursday , June 4 2026
Face to Face Harapan 2

Face to Face: Harapan balik-telebisyon kasama si Ate Koring at mga kabarangay

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MAS pinalapit sa puso ng masa ang pagbabalik ng iconic ‘Barangay Hall on Air’ ng TV5 sa pagbabalik nito bilang Face to Face: Harapan. Nakasama ni Korina Sanchez-Roxas, a.k.a Ate Koring, ang mga residente ng E. Rodriguez, Quezon City sa ginanap na public viewing ng pilot episode ng programa noong Lunes, November 11, sa barangay court.

Kasama ni Ate Koring sina Donita Nose at ang bagong ‘Harapang Tagapayo’ na sina Atty. Lorna Kapunan, Dr. Camille Garcia, at Bro. Jun Banaag (kilala din bilang Dr. Love) para sa isang masayang panonood kasama ang mga ka-barangay. 

Layunin ng Face to Face: Harapan na bigyang-boses ang mga totoong isyu ng mga ordinaryong Filipino at tulungang ma-resolba ang mga ito.

Tampok sa unang episode ang mainit na sagupaan ng magkakapitbahay na naakusahan ng pangkukulam! Sa kanyang prangka at pantay na pag-aanalisa, ipinakita ni Ate Koring ang kanyang husay sa pag-intindi sa mga usaping mahalaga sa masa.

Aliw na aliw naman ang mga manonood sa mga patawang hirit ni Donita Nose bilang kakampi sa mga nagdedebateng panig, habang si Ate Koring naman ang nagbibigay ng mas malalim na pananaw sa bawat alitan. Talaga namang nakatutulong ito sa mga manonood na tingnan ang bawat isyu mula sa mas bukas na perspektibo.

Sa Face to Face: Harapan, ipinakita ni Ate Koring ang kanyang tunay na malasakit sa masa, na nagdadala ng mga kwentong may lalim at damdamin. Ipinahayag niya ang tuwa sa bagong format ng programa at sinagot ang mga tanong ukol sa kanyang branding. 

My brand is masa, ang brand ko talaga ay malapit sa ordinaryong tao—kwentong buhay talaga ang aking forte. Eto at live ko na silang maririnig,” pahayag niya.  “Ito naman talaga ang Korina na kilala ng lahat, ‘yung malapit sa ordinaryong tao.”

Panoorin si Ate Koring sa Face to Face: Harapan sa TV5, Lunes hanggang Biyernes, 4:00 p.m., bago ang Wil To Win, at sa same-day catch-up tuwing 9:00 p.m. sa One PH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Home Along da Riles Da Reunion

Home Along da Riles sa MET, pagbibigay-pugay kay Dolphy

MA at PAni Rommel Placente NOONG June 1, Monday, nagkaroon ng advance screening ang pelikulang Home …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Christian Natividad Rhian Ramos

Mayor ng Malolos planong ituloy Sine Republika Filmfest

MATABILni John Fontanilla ANG mahuhusay na aktor na sina Jomari Yllana at Joko Diaz ang iniidolo ni Malolos Bulacan …