Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEX
ni Jun Nardo

NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo ang KathDen fans nang ipalabas ang movie nila.

Eh trending din ang KathDen pero kung minsan eh tinatalo sila ng AlDub, huh!

Of course, mga dati pang fans ng AlDub ang hindi maka-move on na tapos na ang AlDub. Pilit pa rin nilang ipinaglalaban na kasal na ang Al-Dub at may tatlo nang anak.

Kahit kapwa idinenay ito nina Alden at Maine, patuloy pa rin ilusyon ang kanilang fans na isa nang pamilya ang Alden at Maine!