Wednesday , June 24 2026
Bo Ivann Lo

Bo Ivann Lo, wish sumabak sa mga kontrabida role

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

NAGSIMULA ang sexy actress na si Bo Ivann Lo sa showbiz bilang model. Pero dahil sa kanyang angking hotness at kasekihan, tila destined siyang sumabak sa mga sexy projects.

Kabilang sa mga nagawa niyang proyekto sa Vivamax ang mga pelikulang Litsoneras, Tuhog, at Room Service.

Sa vital statistics niyang 36-25-35, hindi nakapagtataka ito na malinya siya sa mga sexy role sa movies.

Sa mga nagawa niyang films, ano ang pinaka-daring at ano ang kanyang ipinasilip dito?

Tugon ni Bo, “Actually, pantay-pantay po ‘yung pagpapaka-daring ko sa mga movies na ‘yun. Mas may action lang po talaga ‘yung sa movie na Tuhog, rough sex siya, kumbaga. Ako si Anne sa film na iyon.

“Bale, topless ako roon, actually sa lahat ng ginawa kong projects ay nasilip ang dibdib ko.”

Nabanggit din ni Bo ang kanyang dream role.

Aniya, “Ang dream role ko ay maging kontrabida. Feeling ko po kasi ay bagay sa akin and I think mas maibibigay ko ‘yung character na kailangan sa ganitong role.”

Sino ang idol niyang kontrabida? “Nangungua po sa listahan si Gladys Reyes. Mahusay and todo-bigay siya sa pagganap ng mga character na ginagampanan niya. Kumbaga, papangarapin mo talaga siyang makatrabaho dahil sa galing niya.”

Dating talent ni Jojo Veloso si Bo, pero ngayon ay freelancer na siya. Balak ba niyang kumuha ng bagong manager?

“Kung bibigyan ako ng chance na magka-manager, siyempre gusto ko rin po talaga,” sambit pa ni Bo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

17th PMPC Star Awards for Music

Walong personalidad tatanggap ng award sa 17TH PMPC Star Awards for Music

MATABILni John Fontanilla WALONG personalidad mula sa iba’t ibang larangan ang gagawaran ng special awards …

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

Bayani Agbayani John Lloyd Cruz Ellen Adarna Rufa Mae Quinto

John Lloyd at Ellen bibida sa isang sitcom sa GMA

MA at PAni Rommel Placente IBINALITA ni Bayani Agbayani sa isang interview, na may gagawin siyang sitcom …

Isha Ponti

Isha Ponti walang itulak kabigin sa mga kanta sa Likas

HARD TALKni Pilar Mateo AUSPICIOUS day. A Palindrome 620206. At ika -20 taon ng kanyang …