Marian segurista pagdating sa pamilya
RATED R
ni Rommel Gonzales
MAY mga nagsasabi na matagal na raw maputi at makinis si Marian Rivera. In born na raw sa kanya iyon. In fact, isa si Marian sa pinakamakinis at pinakamagandang aktres ngayon sa showbiz, or maaaring sa buong Asya, kumbaga.
Kaya ano pa ba ang puwedeng magawa kay Marian ng Nekocee na Vitamin C capsules na ineendoso niya ngayon?
βKapag ba βyang mga sinabi mo ay mayroon ka na, ibig bang sabihin titigil ka na sa pagte-take? Hindi, βdi ba,β pakli ni Marian.
βIn the first place, si Nekocee ay Vitamin C at araw-araw kailangan natin βyan, kahit pa sabihin mong maganda ka na, kailangan mo pa ring mag-take for maintenance,β saad pa ni Marian.
Bukod sa mga bitamina, tulad nga ng Nekocee na produkto nina Kath Melendez at Ryan Armenta, paano ba pinangangalagaan ni Marian ang kanyang katawan at kalusugan sa kabila ng kayang pagiging abala bilang ina at artista?
βSiyempre diet talaga, lahat ng sobra para sa akin ay hindi maganda, pero lahat puwede kong subukan, huwag lang sosobra.
βSo, sa pagkain, sa tine-take and everything, lahat okay ako, maliban lang talaga huwag lang masyadong alam mo βyun, βyung proper diet lang talaga.
βAt medyo maarte talaga ako, healthy living kami sa bahay,β pahayag pa ng GMA Primetime Queen at reigning Box-Office Queen.
Paano siya napapayag na maging endorser ng Nekocee?
Lahad ni Marian, βIsa lang ang ibig sabihin niyan, kapag tinaya ko ang pangalan ko sa isang produkto, number 1, ginagamit ko siya.
βPangalawa, pinagkakatiwalaan ko siya. Pangatlo, pinagagamit ko sa pamilya ko, hindi ako papayag na ginagamit ng pamilya ko na hindi ako sigurado.β
