Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABIL
ni John Fontanilla

MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend sa presscon ng KUMU, kaugnay sa pagbabago ng kanilang buhay ng maging part sila ng nangungunang  streaming app sa Pilipinas.

Kuwento ng mga live streamer na sina, Peter Miles, Jaime BallesterosRogie Mark Guillermo, Jayar Sabinay, Sandy Gee, at Bryan Cortez na dahil sa KUMU ay nabibili na nila ang mga bagay na gusto nila, ang iba naman ay nakapagpagawa na ng bahay, nagkaroon ng negosyo, at may ipon na sa banko.

Kaya naman nagpapasalamat sila  kay Jeffrey Jimenez, owner ng SM Agency at kina James Ruhmohr, Kumu President, AJ Tabangay-Marketing Manager at Kristina Mag-atas-Senior Operation Manager na nagtiwala at gumabay sa kanila para maging mahusay na content creator.

Bukod sa pagiging top live streamer ay nangangarap din ang ilan sa mga ito na mapasok ang mundo ng showbiz.