Friday , July 19 2024
Bini Aiah

Bini Aiah umaray privacy hiniling na irespeto   

MA at PA
ni Rommel Placente

MAY panawagan sa madla, na idinaan sa kanyang social media account, ang isa sa member ng BINI, si Aiah Arceta. Ito ay may  kinalalaman sa kanyang recent Cebu trip, kasama ang kanyang pamilya.

Naging masaya raw siya, pero may mga pagkakataong nai-invade ang kanyang privacy at personal space.

Sa Instagram Story, ipinaliwanag ni BINI Aiah kung bakit hindi siya naging aktibo sa socmed kamakailan.

“I haven’t been active lately on social media and I haven’t been very responsive to messages, even from some of my family and friends. The truth is, a lot of things have been happening lately, and I just needed some time and space to process them,” sabi ni Aiah.

Kasunod nito, pinasalamatan niya ang lahat ng naging kind, understanding, at patient sa kanya.

“I am blessed to have people like them, and I hope we can continue to have eyes that can see the good, mouths that can speak what’s right, and ears that can listen and understand,” mensahe pa niya.

At dito na nanawagan at humingi ng privacy ang dalaga.

“Some would directly run up to me, grab a photo (even while I was eating), post it in real-time, use my face and post it on pages or places for the sake of clout and publicity without my consent, and worse, some would even include the real-time location, which I don’t think is safe,” kwento ng Pinoy pop idol.

Nilinaw niya na gusto niyang makipag-picture at ma-meet ang ibang tao o kanilang fans, pero ayon sa kanya: “I just hope that people also see and respect us as human beings.”

Sana raw maintindihan na minsan lang sila magkaroon ng personal time kasama ang mga mahal sa buhay, lalo na’t sobrang busy ng kanilang schedule.

Bukod diyan, nanawagan din siya sa lahat na: “To be kinder, with their words and actions, especially when expressed online.

“You never know how much it could take a toll on somebody and affect them on a daily basis. I hope we can fill this world with love, respect, and positivity,” aniya pa.

About Rommel Placente

Check Also

50th MMFF

Ika-50 taon ng MMFF ipagdiriwang

INILUNSAD ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang pagsisimula ng ginintuang jubilee noong Hulyo 16, 2024, sa …

Jo Berry Lilet Matias Attorney At Law

 Lilet Matias gustong ipagtanggol ng netizens

RATED Rni Rommel Gonzales TINUTUKAN ng mga Kapuso ang pagbawi ng mga inaapi sa hit …

Asawa Ng Asawa Ko naka-1 billion views na

RATED Rni Rommel Gonzales CERTIFIED bisyo ng bayan gabi-gabi ang hit GMA Prime series na Asawa …

Widows War

Biggest murder mystery series ng GMA may 100 million views na

RATED Rni Rommel Gonzales  HOOK ang taumbayan sa biggest murder mystery series ng taon, ang Widows’ …

Vic Sotto Playtime

Bossing Vic nag-Playtime

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ANG bongga naman ng isang gaming apps dahil nakuha nila ang …