Wednesday , July 24 2024
Jessy Mendiola Luis Manzano JM de Guzman

Jessy Mendiola handang makipagtrabaho kay JM de Guzman

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KINAKABAHANG humarap si Jessy Mendiola sa entertainment press kahapon para sa muling pagpirma niya ng kontrata sa ABS-CBN, Star Magic na ginanap sa Studio 2. Dinaluhan iyon ni ABS-CBN COO for Broadcast Cory Vidanes, Star Magic head Laurenti Dyogi, at talent manager Alan Real.

Aminado si Jessy na kinakabahan siya sa muling pagtapak sa ABS-CBN. “Grabe kinakabahan ako, hindi ko alam kung bakit. Five years akong nawala,” anito.

“Sobrang grateful and nagulat ako kasi ganoon pala kalaki ang paghahanda ng aking ABS-CBN family and Star Magic family. I’m overwhelmed with the happiness and gratefulness talaga. Ang dami palang nagmamahal sa akin and I’m just really excited kung ano ang gagawin namin ng ABS-CBN at Star Magic,” ani Mrs. Manzano sa media conference na ginanap kahapon matapos ang signing ceremony.

Sinabi ni Jessy na gusto niyang gumawa ng teleserye at nasabi ng kanyang asawang si Luis Manzanona wala siyang restriction dito. At kung magkaroon man iyon ng kissing scene o magpa-sexy ito, okey lang. At nang maitanong si Jessy kung siya ay may restriction, ito ang naging sagot niya. “Restrictions as of now, siguro kailangan pa ng matinding convincing ‘yung mga sensual and kissing scenes. But I’m not closing my doors. I’m open to it.

“Ang seryosong version niyan sabi sa akin ni Luis, ‘go for it basta kailangan ng story and kailangan ng role mo. But kung hindi ka komportableng gawin ‘wag mong gawin.’ So I think mas may point naman siya na kung vital naman siya sa story telling ng teleserye bakit hindi ko pwedeng gawin? Supportive talaga si Luis sa mga ganyang bagay.”

Natanong din si Jessy kung okey sa kanya na makatrabaho ang dating nakarelasyong si  JM de Guzman

“Actually ang funny, never pa kaming nagkatrabaho ni JM ever. Never pa talaga. Siguro akala ng tao nagkatrabaho na kami kasi naging kami. And actually iyon nga ang pinaka-unang tanong sa akin nina direk Lauren, ‘Are you willing to work with JM?’ 

“And I said, ‘oo naman, of course, why not?’ 

“We’ve moved on and andoon na ako sa point ng buhay namin na I have no bad blood with anyone. Sana nakikita ninyo na I’m really, really happy right now. And I’m very grateful and happy na nabigyan ako ng opportunity na ganito uli.

“Akalain mo ‘yun nakabalik pa si Jessy? So why not, I’m open to it,” ika ng mommy ni Peanut.

Inihayag pa ni Jessy na okey din  sa kanya kahit makatrabaho ni Luis ang mga ex nito. “Okey lang sa akin iyon, sinabi ko sa kanya. Sabi ko pa nga sa kanya, ‘ikaw ba okey sa iyo ‘yun?’ Pero ako, walang issue sa akin ‘yan. Dati selosa pa ako. Pero noong naging mother na ako parang, ‘relax na lang tayo love, okey na tayo eh.’ I guess halata naman na naging mas matured na ako when it comes to those things.”

At bago ang media conference ni Jessy, natanong si Luis ukol sa kung masusundan na ba ang anak nilang si Peanut. At sinabi nitong okey lang na ‘wag muna magka-baby muli at naitanong ito kay Jessy.

“Ha, talaga ba?,” nakangiting turan ni Jessy. “Eh kanina lang sabi niya sa akin, ‘Love, halika na halika na, isa pa. Kasi nakikita niya si Rosie na lumalaki na. Sabi ko, ‘anong isa pa? dalawa pa!’ Gusto ko sunod-sunod talaga. 

“Pero sabi niya, ‘Love gusto ko i-pursue mo muna ‘yung kung ano ang para kay Jessy.’ And thankful ako sa asawa ko,” sabi pa ni Jessy pero kung dumating muli siyang mabuntis ay okey na okey sa kanya dahil kaya rin siya nakabalik sa ABS-CBN ay sinabihan siya ng mga big boss na okey lang siyang magbuntis muli.

“Sabi nila susuportahan pa rin nila ako at aalagaan. Ibang-iba sa dati,” nangingiting turan pa ni Jessy.

Sa pagbabalik ni Jessy hindi pa malinaw kung anong ang una niyang gagawin, basta ang maliwanag, gusto niyang gumawa ng teleserye.

“Wala pa pero may mga nagpi-pitch na hindi pa lang napa-finalize kung ano. Siguro sa mga next month may concrete na kaming mailalabas pero sure ako na uunahin ang teleserye.” 

Ibinahagi pa ni Jessy na gusto rin niyang makatrabaho ang kanyang mother in law na si Vilma Santos gayundin sina Piolo Pascual at Joshua Garcia.

Gustong maging leading man? Hindi leading man eh, gusto kong makatrabaho ang mother in law ko. Kung leading man siguro si Piolo kasi never ko pa siya nakatrabaho. Kung sa bagets naman siguro si Joshua,” pagtatapos ni Jessy.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Cecille Bravo PWDW Filmfest Peoples Legacy Awards

PWDW Filmfest People’s Legacy Awards 2024 matagumpay

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang inaugural PWDW Film Fest People’s Legacy Awards 2024 na ginanap sa  QCX …

Gary Valenciano Inspired

Gary Valenciano pinakaba ang netizens sa black & white poster

MATABILni John Fontanilla HINDI naiwasang matawa ni Gary Valenciano sa naging reaksiyon ng netizens sa black and …

GMA Gala PBB Gen 11

PBB at GMA Gala nagtapatan, sino ang nag-trending?

I-FLEXni Jun Nardo KATAPAT sa  streaming ng GMA Gala ay ang pagbubukas muli ng Bahay ni Kuya …

Barbie Forteza Herlene Budol Kyline Alcantara Kobe Paras

Barbie patakbong tinulungan si Herlene; Kyline nakaw-eksena sa kasamang escort 

I-FLEXni Jun Nardo HINANGAAN si Barbie Forteza na nakuhanang tumulong kay Herlene Budol nang mahulog ito sa isang bahagi …

blind item

Bagong gay series bokya, ‘hindi kinagat 

HATAWANni Ed de Leon AY sorry, mukhang hindi kinagat ng mga bading iyong isang bagong …