Thursday , July 25 2024
Kathryn Bernardo

Kathryn Queen of Endorsements Maine, Marian, Sharon kinabog

MA at PA
ni Rommel Placente

MULA nang mahiwalay kay Daniel Padilla ay mas lalong sumikat si Kathryn Bernardo. Kumbaga, mas lalong umarangkada ang kanyang career.

Malaking factor din dito ang pagkakaroon niya ng wholesome image kaya patok siya sa  mga advertiser.

Ayon sa kibitzers, ang tinaguriang Asia’s Phenomenal Superstar din daw ang tinaguriang Queen of Endorsements sa kasalukuyan.

Paano kasi approximately 28 big name brands ang nagtiwala sa kanya at dumarami pa ang patuloy na nagtitiwala bilang brand ambassador.

From beverage, food, haircare, skincare, at clothing products, nadagdagan pa ng telco, toothpaste, banko, energy drink, derma clinic, mattresses, vitamins, medicine, digital payments company at kung ano-ano pa ang kanyang ini-endorse.

Hirit pa ng kibitzers, kinabog na ni Kathryn sina Maine Mendoza, Marian Rivera, Anne Curtis, at Sharon Cuneta sa paramihan ng produktong ini-endorse.

Pagdating naman sa advertising campaign ng kanyang mga produkto, palaging bongga ang mga ito kaya naman damang-dama ang overwhelming support sa kanya ng advertisers mapa-TV, online, o billboards man.

‘Di ba nga, sinakop niya ang isang espasyo sa EDSA na namutiktik ang kanyang billboards na ‘di pa nangyari kahit kaninong celebrity.

Idagdag pa na at the age 28 ay isa na rin siyang matagumpay na businesswoman na bukod sa may sariling salon ay isa sa may-ari ng pamoso at high-end resort sa El Nido, Palawan. 

About Rommel Placente

Check Also

Benhur Abalos Perci Intalan

Birthday ni Sec Benhur dinaluhan ng mga kaibigan sa showbiz at politics; Direk Perci sinagot pasaring ni Atty. Topacio

PUNOMPUNO ang EDSA Shangri-la Hotel noong Biyernes dahil mula sa mga kaibigan   sa showbiz at politics …

Quinn Carillo Christine Bermas Itan Rosales Kaskasero

Christine nakatulong pagiging palaban sa pagpasok sa Wil to Win

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAPWA magaling na aktres sina Quinn Carillo at Christine Bermas ng Vivamax kaya mula sa  pagpapa-sexy ay …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Nora Aunor Maricel Soriano Alden Richards

Nora, Maricel, at Vilma triple tie for best actress sa 40th Star Awards

ni ROMMEL GONZALES TABLA, yes it’s a tie sina Dingdong Dantes at Alden Richards bilang Movie Actor of the …

Kumu

KUMU  top live streamers  ng SM Agency gustong pasukin ang showbiz

MATABILni John Fontanilla MAGANDA ang bawat kuwento ng  ilang top live streamers ng  SM Agency na umatend …