Friday , July 19 2024
jeepney

Jeep bumaligtad sa Kalinga tsuper, 16 pasahero sugatan

SUGATAN ang 17 katao matapos tumaob ang isang pampasaherong jeep habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada sa Sitio Balangabang, Brgy. Dangoy, bayan ng Lubuangan, lalawigan ng Kalinga nitong Sabado ng umaga, 22 Hunyo.

Ayon kay P/Capt. Ruff Manganip, tagapagsalita ng Kalinga PPO, naganap ang insidente dakong 5:20 am kamakalawa.

Aniya, patungong lungsod ng Tabuk ang jeep mula sa Brgy. Uma, Lubuagan, lulan ang 17 katao kabilang ang tsuper nito.

Habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada, nasira ang preno ng sasakyan kaya nawalan ng kontrol ang tsuper at bumaligtad ang minamanehong jeep.

Dinala ng mga nagrespondeng awtoridad ang mga biktima sa pagamutan para lapatan ng lunas. Idineklarang nasa ligtas na kalagayan ang mga biktima.

About hataw tabloid

Check Also

Collectors Con Year 2 Funkos The Block Atrium SM North EDSA

Collectors Assemble: Collectors Con Year 2 brings Exclusive Drops, Limited-editions and Supersized Funkos

Promising the ultimate collector’s adventure in the North, Collectors Con is back at The Block …

Arrest Posas Handcuff

  Kawatan sa coffee shop, timbog

DAHIL sa mabilis na pagresponde ng mga awtoridad ay kaagad naaresto ang isang lalaki na …

071824 Hataw Frontpage

Sa Bamban, Tarlac at Porac, Pampanga
POGO ‘TORTURE DEN’ VIDEO FOOTAGES INILABAS SA PAGDINIG NG KAMARA

HABANG mainit ang galit ng mga mamamayan sa mga natuklasang ilegal na Philippine Offshore Gaming …

071824 Hataw Frontpage

Sa ‘tungki ng ilong’ ng gov’t hospital  
UTAK NG ‘KIDNEY FOR SALE’ ITINANGGING HEAD NURSE PERO EMPLEYADO NG NKTI

ni ALMAR DANGUILAN INAMIN ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na kanilang empleyado sa loob …

From Heart to Hand, Celebrating with Purpose and a Mission

From Heart to Hand, Celebrating with Purpose and a Mission

In a heartfelt act of compassion and generosity, Ms. Anna Donita S. Tapay transformed her …