Tuesday , May 20 2025
Darren Espanto D10 Star Magic

Darren Espanto pambato ng Star Magic  

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NATAWA kami sa tinuran ni Darren Espanto nang matanong kung ano ang kasunod ng matagumpay na D10 concert niya sa Araneta Coliseum kamakailan. Sagot nito, ayaw muna niya at magpapahinga muna.

Sobra yatang napagod si Darren sa kanyang D10 concert kaya naman nasabi niyang ayaw na niyang mag-concert pa.

Ang D10 Concert ay selebrasyon  ng  ika-sampung taon sa industriya ng tinaguriang Asia’s Pop Hearthrob na si Darren.


Ten years ago, nakilala si Darren sa The Voice Kids Philippines Season 1 at ngayo’y kilala na bilang isa sa mga magagaling na performers at isa sa pride ng Star Magic sa international stage. 

Pagbabalik-tanaw sa kanyang naging journey at napuno ng fans, celebrity guests, at 
mga kaibigan ang kanyang sold-out concert.

Sa konsiyerto, ipinamalas ni Darren ang kanyang talent at discography. Kasama sa setlist ng concert ang kanyang mga track mula sa kanyang debut album tulad ng  Stuck at In Love, Ako Sa ’Yo hanggang sa trending cover niya ng Dying Inside to Hold You.

Isa rin sa ikinasaya ng fans ang mga collaboration ng gabing iyon. Kasama sa mga espesyal na bisita na naka-duet ni Darren ay ang mga taong nakasama niya noong siya ay 13 years old pa lamang sa The Voice Kids—ang kanyang TVK coach na si Sarah Geronimo, at  co-finalist   na si  Lyca   Gairanod.  

Dagdag  pa   rito,   nakasama  rin   niya   ang  mga kilalang OPM artists, tulad nina Erik Santos, Ogie Alcasid, at Gary Valenciano. 

“I was just so happy to be with them, kasi itong mga artist na ito are people I look up to ever since I was a kid.  Walang dalawang-isip na mag-guest sa concert ko,” pagbabahagi ni Darren sa isang mediacon ng Star Magic kamakailan.

Para kay Darren,  ang   solo   concert niyang ito  ay   isang   ‘dream come true’.  “Tagal ko nang  hinintay itong moment na ito. We’ve done several special events sa Araneta before, pero iba  pala talaga kapag alam mong sarili mong show,” sabi pa ni Darren.

Naging bahagi si Darren sa pamilya ng It’s Showtime bilang isa sa mga regular host na kasama niya sina Vice Ganda at Ogie. 

“Si Ate Vice, isa sa mga sumusuporta sa career ko ever since ‘The Voice Kids.’ Lagi siyang andiyan, giving tips, not only for my career but also for my personal life. I want her to be part of my 10th anniversary kasi part siya ng journey ko,” pagbabahagi pa ni Darren.

Nang tanungin kung paano niya pinagsasabay-sabay ang lahat ng trabaho niya, ani 
Darren, “It’s   nice   to   have   a   routine   at   ‘yun   ‘yung   pang-start   ko   ng   araw   ko.  ‘Showtime’ muna at saka ako magre-rehearse. Pagdating ko sa rehearsals, ‘yung adrenaline ko  andoon na kaagad. Nakatulong siya to prepare me for the day and calm my nerves.”


May karanasan din si Darren sa pag-arte, gaya ng recent role niya na si Stephen Tanhueco sa  teleseryeng Can’t   Buy   Me   Love.  Ang kanyang   character   ang   naging ka-love triangle ng  tambalang Caroline (na ginampanan ni Belle Mariano) at Bingo (na ginanapan ni Donny Pangilinan).

Naibahagi rin ni Darren ang ukol sa mga susunod niyang projects at mga wish niyang   makatrabaho. Kabilang dito sina Martin Nievera at Regine Velasquez

Nagbigay din ng patikim si Darren para sa kanyang fans tungkol sa mga susunod pa na dapat abangan sa kanya. 

One of those things is recording as we’re finishing my   first album under Star Music and to have a performance in the global stage, tulad ng   ginawa ko dati sa ‘Singer 2019,’  and of course, ‘Showtime’ araw-araw,” ani Darren.

Maituturing na pambato si Darren ng Star Magic dahil sa kanyang talento at tiyak 
marami pa siyang mararating at maa-achieve bilang isang actor at performer.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Marc Kevin Labog

Mas pinasayang weekend trip at bagong ‘Primetime Primera’ hatid ng TV5

TODO ang sayang hatid ng TV5 sa mga bagong weekend and early primetime offerings na hitik sa …

Alfred Vargas PM Vargas

Alfred Vargas nagpasalamat sa double victory; Programang pang-edukasyon uunahin

DOBLE-DOBLENG pasasalamat ang ibinahagi ni Alfred Vargas sa mga taga-District 5 ng Quezon City na sa ikalawang …

Natasha Ledesma

Natasha Ledesma gradweyt na sa pagpapa-sexy  

MATABILni John Fontanilla INIWAN na ni Natasha Ledesma ang pagpapa-sexy mapa-pelikula man o telebisyon. “Nagpapasalamat ako sa …

Yen Santos

Yen Santos halos hindi na makilala ang sarili nang madagdagan ang timbang

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang Instagram page ay ibinahagi ni Yen Santos kung gaano siya naapektuhan sa …

Luis Manzano Vilma Santos

Luis balik-game show host

MA at PAni Rommel Placente PAGKATAPOS tumakbo bilang Vice Governor sa Batangas sa katatapos na …